"Hindi inosente si Kian De los Santos", ito ang naging pahayag ni PNP Chief Bato Dela Rosa matapos niyang kumpirmahin na drug courier ang napatay na 17 anyos na estudyante.
"Si
Kian ay ginagamit ng kanyang ama. Ang ama niya mismo ang user, mga
uncle ang mga pusher diyan at ginagamit si Kian na courier. Kaya
nag-surface ang pangalan niya sa area mismo,"Pati
ang intelligence community natin na nagko-conduct ng operation plan sa
Caloocan mismo, ang mga kapitbahay doon takot mismo na magsalita ng
against sa kanila dahil kilalang siga ang ama pati mga uncle niyan, siga
sa lugar. Yan ang nasasagap ng ating mga intel operatives diyan sa area,"
Dagdag pa ni De la Rosa na si Kian ay biktima ng kanyang sariling ama at tiyuhin na sangkot sa illegal na druga.
"Biktima
lang ang bata at ginagamit ng ama. Bigyan siya ng pagkakataon na
magbagong-buhay at matuto na mali ang ginagawa niya. Sumusunod siya sa
utos ng kanyang pusher na ama. Bata pa, magbago pa yan."I
want to reiterate I do not tolerate abuses from my personnel, from my
men. So much so that our internal cleansing program having breakthrough,
na masisira naman dito kung talagang ma-establish na may pang-aabusong
ginawa ang pulis Caloocan,"
Nalungkot sa kinahinatnan ni Kian, pero lehitimo ang operasyon na yun dahil sa mga sendikato sa druga na nandoon.
"Dismayed
ako sa outcome ng operation, bakit napatay ang bata, pero hindi ako
dismayed sa operation itself dahil meron naman talagang basehan ang
operation na itinuturo talaga si Kian ay source ng droga doon sa area," dagdag pa ni Dela Rosa.
No comments:
Post a Comment