Muli na naman siyang kinasuhan ng BIR ngayong huwebes Agosto 17, 2017 dahil daw sa mga pekeng dokumento at hindi pagbabayad ng buwis na umaabot sa 39M,
Sa reklamong inihain sa Department of Justice, nagsampa ang BIR kay Gutierrez ng isang bilang ng pagsusumite ng pekeng annual income tax return, anim na bilang ng pagsusumite ng pekeng quarterly value-added tax (VAT) returns, at dalawang bilang ng pagsusumite ng perjured affidavits.
Inakusahan din ng BIR si Gutierrez na ipinalalabas lamang nito o ng representative nito na naghain siya ng kanyang annual Income Tax Return at quarterly VAT returns noong taong 2012.
Ang mga sinasabing pekeng dokumento ay bahagi ng mga isinumite ni Gutierrez bilang depensa sa kanyang P38.57 milyong tax evasion case sa DOJ.
courtesy of ABS CBN news |
No comments:
Post a Comment