Naarestong mga otoridad ang isang Indonesian national na pinaniniwalaang miyembro ng Maute group sa Marawi City kaninang umaga, ayon sa militar.
“He is now being investigated by police investigators,” sabi ni Joint Task Force Ranao deputy commander Col. Romeo Brawner Jr.
Nahuli ang banyaga ng mga miyembro ng Barangay Peace Action Team of Brgy. Loksadatu. Ibinigay siya sa Marawi Police.
Pinaniniwalaang kasama ang mga banyagang terorista ng mga Maute na kontektado sa ISIS, na nakipaglaban sa mga tropa ng gobyerno sa loob ng limang buwan.
Pormal na tinapos ang operasyon sa Marawi noong isang linggo matapos ang limang buwan matapos lusubin ng Maute ang lungsod noong Mayo 23,
Tinayayang 900 terorista, 165 sundalo at pulis at 45 sibilyan ang nasawi matapos ang nangyaring bakbakan sa Marawi.
No comments:
Post a Comment