Tinututulan ng prosekusyon ang hiling ni dating Senador Jinggoy Estrada na makabiyahe sa Singapore sa November 11 hanggang 20.
Sa motion to travel ni Estrada na isinumite sa Sandiganbayan 5th
Division, hiniling nito na kailangan niyang samahan ang ama na si Manila
Mayor Joseph Estrada na magpapasuri sa doktor doon.
Sa pagdinig kanina ng 5th division ng anti-graft court sa motion to
travel ni Estrada, sinabi ni Assistant Special Prosecutor Peter Jedd
Boco na maghahain sila ng oposisyon dito sa loob ng limang araw.
Naka-attached naman sa mosyon ni Jinggoy ang liham ng kanyang ama na nagpapaliwanag sa pagsama sa anak sa kanyang pagpapagamot.
Pansamantala mang nakakalaya, si Jinggoy ay patuloy na nililitis sa kasong plunder kaugnay ng pork barrel scam.
No comments:
Post a Comment