Sa nalalapit na paghohost ng Pilipinas sa 31st Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) SUMMIT ngayong Nobyembre 10 - 14. Mas pinaigting ang seguridad sa mga lugar na pagdadaraosan ng naturang meeting.
Hindi binabalewala ng PNP at AFP intelligence ang mga haka-haka na possibleng sabotahin ng mga Anti-Duterte ang pagkakataong ito para tuluyang mapahiya at mapabagsak nila si PRRD dahil sa nangyari sa Summit.
Matatandaan na kahit anong paninira nalang ang kanilang ginawa para tuluyang mapababa ang trust ratings ng pangulo simula pa noong pagdawit nito sa Davao Death Squad na ibinunyag umano ni Matobato at ang panghuli ay ang pilit na pagdawit ni Trillanes kay Paolo Duterte na sangkot umano sa 6.4b halaga ng shabu na nasamsam ng Bureau of Customs.
Dahil sa tila wala itong epekto at mas lalong lumalakas at dumarami pa ang supporta ng mga Pilipino sa pangulo. Hindi minamaliit ng mga kapulisan at hukbong pangsandatahan ng pilipinas ang mga posibilidad na ang paghasik ng terrorismo ang kanilang pwedeng gawin para sa ikasisira ng imahe ni Pangulong Duterte at ng kanyang administrasyon.
Simula Nobyembre 8 isinasara na ang ibang kalsada at hinigpitan na ang seguridad sa mga venue na pupuntahan ng mga lider ng ibat-ibang bansa. Nagdaragdag na rin ng karagdagang personalidad na tutulong upang maging matiwasay at payapa ang mga bisita sa ASEAN Summit at hindi lang ang mga bisita pati na rin ang sambayanang Pilipino.
Sana yung mga kontra sa pamamalakad ng Pangulo ay maghintay na lamang sila sa susunod na eleksyon at sa halip na siraan ang pangulo ay dapat sana mkipagtulungan na lamang sila kung ang talagang hangad nila ay ang ikauunlad ng bansang Pilipinas..
No comments:
Post a Comment