Nakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga world leaders at dialogue partners sa layuning lagdaan sa isang “landmark document” na layuning mas mapalakas ang social protection, access to justice at health services sa pagbubukas ng 31st ASEAN Summit kahapon ng umaga sa Cultural Center of the Philippines (CCP).
“I will be joining ASEAN leaders in signing landmark document that would strengthen social protection, access to justice & health services,” wika ni Pangulong Duterte sa kanyang opening statement sa pormal na pagbubukas ng 31st
ASEAN Summit.
Sa kanyang opening statement, tinukoy ni Duterte ang isyu ng terorismo na banta ng seguridad ng ASEAN, ang naganap sa Marawi City at sa mga suportang tinanggap ng Pilipinas mula sa mga kaalyadong bansa.
Nagpasalamat si Duterte sa mga ASEAN countries at dialogue partners sa pagtulong sa komunidad na naapektuhan ng Marawi crisis.
“Our ASEAN brothers provided support by sending relief items, while others boosted our military,” dagdag pa nito.
Binanggit pa ng Pangulo ang isyu ng illegal drugs na banta sa buhay at seguridad ng mamamayan at buong mundo.
“Illegal drugs endanger the very fabric of our being. Terrorism and extremism endanger security of ASEAN,” wika pa ni Pangulong Duterte.
Pinasimulan ang summit opening sa traditional handshake ng mga world leaders dakong alas-9:47 ng umaga na sinundan ng pagkanta ng ASEAN hymm na may titulong “ASEAN Song of Unity” bago nagsalita ang Pangulo.
No comments:
Post a Comment