Itinanggi ng di umano’y Maute recruiter na si Karen Aizah Hamidon ang
akusasyon sa kaniya ng National Bureau of Investigation na nagre recruit
ito ng Maute members gamit ang Facebook.
Ayon kay Hamidon, ginagamit lamang niya ang social media upang
ipahayag sa mundo ang ideyolohiya ng Islam at hindi ng teroristang
Maute.
Aniya, tungkol lamang sa relihiyon ang ipinapakalat niya sa social
media at wala aniyang basehan ang mga inaakusa sakaniya na nag
re-recruit siya ng mga miyembro at financier ng Maute.
Kaninang umaga nga ay sumalang sa Preliminary Investigation ng
Department of Justice si Hamidon, kaugnay sa 14 counts ng kasong
rebelyon at paglabag sa cybercrime prevention act, na isinampa sa kaniya
ng Nation Bureau of Investigation.
No comments:
Post a Comment