Hindi mangingialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng kaniyang anak na si Vice Mayor Paolo Duterte at manugang na si Manases “Mans” Carpio.
Sinabi ni Duterte na hahayaan na lamang niya ang independent agencies na imbestigahan ang umano’y pagkakasangkot nina Paolo at Carpio sa ilegal na droga.
"Who would believe me if I investigate my son and my son-in-law? You, can you investigate your mother or father? I leave it to the independent agencies," pahayag ng pangulo pagkadating mula Japan.
Nabanggit ito ni Duterte matapos akusahan ni Sen. Leila de Lima ang gobyerno na hinahabol lamang ang mga "imagined and fictitious drug lords" imbis na imbestigahan ang anak at manugang ng pangulo.
Lumutang ang pangalan nina Paolo at Carpio sa kasagsagan ng imbestigasyon sa P6.4 bilyon shabu shipment mula China na dumaan sa Bureau of Customs.
Sinabi ni Sen. Antonio Trillanes na parte umano ang bise alkalde ng Chinese triad na sangkot sa mga ilegal na gawain kabilang ang smuggling.
Muli namang binaggit ng pangulo at utos sa mga awtoridad na huwag mag-alinlangan na barilin ang kaniyang mga anak kung sangkot sa droga.
"Didn't I already say that when I was still a mayor? Hindi ba sinabi ko na sainyo noong mayor ako? Anong order ko sa pulis? 'Barilin ni’yo maski anak ko.' At (and) that statement remains. Barilin ni’yo," patuloy ni Duterte.
"‘Pag naggamit ng droga o nakahawak ng droga, barilin mo. Extrajudicial killing, if you want, and I can understand," dagdag niya.
No comments:
Post a Comment