Thursday, November 2, 2017

Secretary Harry Roque: Gwapo at bata ang tutulong sa pagharap ko sa media!

                 Gwapo at bata. Ganito inilarawan ni Incoming Presidential Spokesman Harry Roque ang kanyang itatalagang Deputy Spokesman na tutulong sa kanya na humarap sa media.


                 Sa briefing ni Roque sa Malacañang ay sinabi nito na kapag nakita ng publiko ang kanyang hindi pa pinapangalanang deputy spokesman ng mga kababaihan ay tiyak na maiinlove ang mga ito.


                  Ayaw nang magbigay ng iba pang detalye si Roque dahil ayaw aniya niyang guluhin ito dahil kukuha ito ng bar exam at sa katunayan aniya ay hindi pa nito alam ang kanyang magiging posisyon.

                  Sinabi pa ni Roque, dati niyang estudyante sa University of the Philippines College of Law ang itatalaga niyang deputy spokesman.

No comments:

Post a Comment