Inatasan ng Palasyo ng Malacañang ang Philippine Consulate sa New York City na makipagugnayan sa Filipino Community doon matapos ang isa nanamang sinasabing terrorist attack.
8 kasi ang naitalang patay at humihit kumulang 12 tao pa ang sugatan matapos sagasaan ng isang truck ang mga ito sa bicycle lane malapit sa World Trade Center sa Manhattan New York City.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, sa ngayon ay nakikipagugnayan na ang Philippine Consulate sa New York sa mga pinoy doon at patuloy nitong minomo itor ang sitwasyon sa lungsod.
Pinayuhan naman ni Andanar ang mga pinoy sa New York na manatiling kalmado pero maging mapagmatiyag sa kanilang mga paligid.
Nagpaabot naman ng pakikidalamhati ang Palasyo sa mga pamilya ng mga namatay sa nasabing pag-atake.
No comments:
Post a Comment