Thursday, November 2, 2017

Sasabak sa World Championships si Hidilyn Diaz!

                 
  Sisimulan ni 2016 Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz ang daan para maging natatanging Pilipino na apat na beses nakapagkuwalipika sa Olympic Games sa pagsabak sa International Weightliftiing Federation (IWF) 2017 Weightlifting World Championship sa Anaheim, California, USA.

                   Hangad ng natatanging babaeng Olympian ng Pilipinas na nagwagi ng medalya sa kada apat na taong torneo na si Diaz na makapagtipon ng kinakailangan nitong puntos bilang indibidwal para sa kinakailangang quota kada rehiyon base sa sinusunod na alituntunin ng IWF.

                    “Kailangan po na nasa Top 50 po or mas mababa pa kami para makapag-qualify doon sa bawat slot na nakalaan sa bawat region sa buong mundo,” sabi ni Diaz, na huling nagwagi ng pilak na medalya sa 5th Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) sa Ashgabat, Turkmenistan.

                      Pumangalawa ang 26-anyos na si Diaz sa nagwagi ng ginto na si Liao Qiuyun ng China sa Weightlifting Arena sa Ashgabat sa pagbuhat nito sa 90 kilos sa snatch at 115 kilos sa clean and jerk para sa kabuuang binuhat na 204 kilograms.

                      Isasagawa ang 2017 IWF World Championships sa darating na Nobyembre 28 hanggang Disyembre 5, 2017 sa Anaheim Convention Center. Ito ang unang pagkakataon na gaganapin ang event sa Anaheim.

                       Matatandaan na ang tubong-Zamboanga at tatlong beses nakalaro sa Olympics ang pinakaunang Filipina na nagawang magwagi ng medalya sa huling World Weightlifting Championships na ginanap sa Houston, Texas, USA.

                       Inuwi ni Diaz ang tatlong tansong medalya sa snatch, clean and jerk at sa total weight lifted sa women’s 53 kilogram na ginanap sa George R. Brown Convention Center sa Houston upang masiguro ang kanyang ikatlong pagbabalik sa Olympic Games matapos unang sumabak noong 2008 Beijing at 2012 London Olympics.

Secretary Harry Roque: Gwapo at bata ang tutulong sa pagharap ko sa media!

                 Gwapo at bata. Ganito inilarawan ni Incoming Presidential Spokesman Harry Roque ang kanyang itatalagang Deputy Spokesman na tutulong sa kanya na humarap sa media.


                 Sa briefing ni Roque sa MalacaƱang ay sinabi nito na kapag nakita ng publiko ang kanyang hindi pa pinapangalanang deputy spokesman ng mga kababaihan ay tiyak na maiinlove ang mga ito.


                  Ayaw nang magbigay ng iba pang detalye si Roque dahil ayaw aniya niyang guluhin ito dahil kukuha ito ng bar exam at sa katunayan aniya ay hindi pa nito alam ang kanyang magiging posisyon.

                  Sinabi pa ni Roque, dati niyang estudyante sa University of the Philippines College of Law ang itatalaga niyang deputy spokesman.

Wednesday, November 1, 2017

Konsulada ng Pilipinas sa New York, patuloy sinusubaybayan ang panibagong terror attack sa lungsod

               Inatasan ng Palasyo ng MalacaƱang ang Philippine Consulate sa New York City na makipagugnayan sa Filipino Community doon matapos ang isa nanamang sinasabing terrorist attack.

               8 kasi ang naitalang patay at humihit kumulang 12 tao pa ang sugatan matapos sagasaan ng isang truck ang mga ito sa bicycle lane malapit sa World Trade Center sa Manhattan New York City.

               Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, sa ngayon ay nakikipagugnayan na ang Philippine Consulate sa New York sa mga pinoy doon at patuloy nitong minomo itor ang sitwasyon sa lungsod.

              Pinayuhan naman ni Andanar ang mga pinoy sa New York na manatiling kalmado pero maging mapagmatiyag sa kanilang mga paligid.


               Nagpaabot naman ng pakikidalamhati ang Palasyo sa mga pamilya ng mga namatay sa nasabing pag-atake.

Oklahoma City Thunder, wagi kontra Milwaukee Bucks

               Umiskor lamang ng dose puntos si reigning league MVP Russell Westbrook pero sapat na ito para talunin ng Oklahoma City Thunder ang Milwaukee Bucks, 110-91 sa NBA.


                Pinangunahan ni Paul George sa kaniyang 20 points ang balanced scoring ng Thunder para makuha nila ang kanilang ikatlong panalo sa anim na laro.

                Umiskor naman ng game high 28 points si Greek Freak Giannis Antetokounmpo pero hindi ito naging sapat para malasap ng Bucks ang kanilang ikalawang talo sa anim na laro.

Mocha may babala kay Kris, Kris fanatics rumesbak

                     “I have nothing against Kris Aquino as long as she won’t run for public office. She is nice in person but another Aquino in goverment is just going back to your unfaithful BF again and again. Tama na ang ilang palpak na relationship (Cory, PNoy and Bam). 

                     Kaya as long as Kris is a private person and not in government I think hindi dapat siya i-bash. Hindi niya kasalanan pinanganak siyang AQUINO. Wag lang talaga siya tatakbo o papasok sa gobyerno ibang usapan na yun.

                    “Our concern is ang PLDT sana hindi na gumastos nang gumastos sa marketing. Dapat ayusin na lang nila service nila. Palpak na nga internet speed palpak pa ang after service nila. Kesa gumastos pa sila sa marketing they should focus on serving their costumers well. Yun lang po salamat.”

                   ‘Yan ang naka-post sa blog ni Mocha Uson who seemingly took a jab at the Queen of Talk.

                    If this really came from Mocha, we were appalled at her kapal ng mukha to pass judgment on Kris kapag pumasok ito sa politika.

                   Mocha, any which way we look at you, you are no match kay Kris. She is a degree holder, ikaw hindi. She is an achiever which cannot be said about you. She has hundreds of millions, you don’t. I bet mas matalino siya sa iyo.

                   Having said that, who are you to say “‘wag lang siyang tatakbo o papasok sa gobyerno, ibang usapan na ‘yun?

                   Ikaw nga na may mga nude photos sa internet, may picture na nandudukot ng ari ng isang lalaki ay nakapasok sa gobyerno. Ano ang feeling mo, mas angat ka kaysa kay Kris? Hellllllllllloooooo!!!!!!!!!

                     “Ala ka na talagang magawa si ASEC? Sayang pinasusuweldo sayo na 130,000 per month, na galing sa tax payers’ money kung ang aatupagin mo ay pakialaman na lang ang galaw ng Aquino family.

                   “Now si Kris naman, kahit ganyan yan, nagbabayad yan ng tamang buwis, nagde declare ng tamang SALN. Naku Mocha Uson, magtrabaho ka muna para may pakinabang ka naman,” wailed our friend Arnold Prospero who lives in Thailand.

                     Incidentally, we came across an item in one website where it said that Kris Aquino lent her Louise Vuitton bag sa kanyang male staff named Jack Salvador.

                     They were seen inside an airport and Jack was holding an LV bag. “Pinayagan ko na lang, masipag naman. Okay lang,” said Kris.

Dayuhang Supporter ng Maute, natiklo

                     Naarestong mga otoridad ang isang Indonesian national na pinaniniwalaang miyembro ng Maute group sa Marawi City kaninang umaga, ayon sa militar.

                     “He is now being investigated by police investigators,” sabi ni Joint Task Force Ranao deputy commander Col. Romeo Brawner Jr.

                     Nahuli ang banyaga ng mga miyembro ng Barangay Peace Action Team of Brgy. Loksadatu.  Ibinigay siya sa Marawi Police.

                        Pinaniniwalaang kasama ang mga banyagang terorista ng mga Maute na kontektado sa ISIS, na nakipaglaban sa mga tropa ng gobyerno sa loob ng limang buwan.

                     Pormal na tinapos ang operasyon sa Marawi noong isang linggo matapos ang limang buwan matapos lusubin ng Maute ang lungsod noong Mayo 23,

                     Tinayayang  900 terorista, 165 sundalo at pulis at 45 sibilyan ang nasawi matapos ang nangyaring bakbakan sa Marawi.

Imbistigasyon kina Pulong, Mans Carpion pinauubaya ni PRRD sa Independent agencies!

                        Hindi mangingialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa isyu ng kaniyang anak na si Vice Mayor Paolo Duterte at manugang na si Manases “Mans” Carpio.
                    Sinabi ni Duterte na hahayaan na lamang niya ang independent agencies na imbestigahan ang umano’y pagkakasangkot nina Paolo at Carpio sa ilegal na droga.
                   "Who would believe me if I investigate my son and my son-in-law? You, can you investigate your mother or father? I leave it to the independent agencies," pahayag ng pangulo pagkadating mula Japan.
                   Nabanggit ito ni Duterte matapos akusahan ni Sen. Leila de Lima ang gobyerno na hinahabol lamang ang mga "imagined and fictitious drug lords" imbis na imbestigahan ang anak at manugang ng pangulo.
                    Lumutang ang pangalan nina Paolo at Carpio sa kasagsagan ng imbestigasyon sa P6.4 bilyon shabu shipment mula China na dumaan sa Bureau of Customs.
                    Sinabi ni Sen. Antonio Trillanes na parte umano ang bise alkalde ng Chinese triad na sangkot sa mga ilegal na gawain kabilang ang smuggling.

                   Muli namang binaggit ng pangulo at utos sa mga awtoridad na huwag mag-alinlangan na barilin ang kaniyang mga anak kung sangkot sa droga.
                  "Didn't I already say that when I was still a mayor? Hindi ba sinabi ko na sainyo noong mayor ako? Anong order ko sa pulis? 'Barilin ni’yo maski anak ko.' At (and) that statement remains. Barilin ni’yo," patuloy ni Duterte.
                 "‘Pag naggamit ng droga o nakahawak ng droga, barilin mo. Extrajudicial killing, if you want, and I can understand," dagdag niya.