Sunday, November 5, 2017

Roque: We are one in the true healing!

                Nagsama-sama kahapon ang mga Katoliko, sa pangunguna ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), at multi-sectoral organizations sa EDSA Shrine upang ipanalangin ang mga biktima ng extrajudicial killings sa bansa at ang paghihilom ng ‘sugat ng bayan’ na dulot ng ‘madugong’ war on drugs ng pamahalaan.

                Dakong 3:00 ng hapon nang inilunsad ang mapayapang kampanya na “Start the Healing,” sa pamamagitan ng isang banal na misa na tinawag na “Lord Heal Our Land Sunday.”
               Sinundan ito ng prusisyon at candle-lighting, na hudyat ng 33-araw na panalanging laban sa drug-related killings. Kasama sa prusisyon ang imahe ng Our Lady of Fatima na dinala noong 1986 People Power Revolution sa EDSA.
                Si CBCP president at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas ang nanguna sa aktibidad. Walang mga banner at slogan sa okasyon, na una nang sinabi ni Villegas na walang halong pulitika, at sa halip ay panawagan lamang ng paghihilom ng sugat ng bayan.
                “We cannot heal by breaking each other. Start the healing. Let’s start the healing today,” diin ng arsobispo.
                Nakikisa naman ang MalacaƱang sa “true healing” ng bansa.
               Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kailangang magkaisa ng taumbayan at tulungan ang gobyerno sa paglaban sa iligal na droga, kriminalidad at korapsiyon.
               “We are one in the true healing of this nation that has long been divided by politics. We must come together as one country and one people and help the government in building a nation free from drugs, criminality and corruption,” ani Roque.

Yolanda Funds anomalya naungkat!

                Ibinunyag ng Commission on Audit (CoA) na aabot sa P2.45 bilyon pondo ng gobyerno na inilaan sa Yolanda Recovery and Rehabilitation Program (YRRP) ang hindi maayos na naidetalye ng Philippine Coconut Authority (PCA).

                 Sa kalalabas lang na 2016 Annual Financial Report for Government-Owned and -Controlled Corporations (GOCCs), pinuna rin ng CoA ang isa pang GOCC, ang National Electrification Administration (NEA) sa kabiguang maipursige ang pagbawi sa P279.45 milyon ng YRRP counterpart funds nito mula sa mga electric cooperative.
                Sinabi ng CoA na nasa pag-iingat pa rin ng mga electric cooperatives ang balanse ng hindi nagastos na pondo ng YRRP, na inilaan sa pagsasaayos sa mga linya ng kuryente at pagbabalik ng serbisyo nito sa mga lugar na sinalanta ng bagyong ‘Yolanda’ noong Nobyembre 8, 2013.
               Ayon pa sa CoA, kuwestiyonable ang naging pangangasiwa ng NEA sa YRRP funds, kabilang ang pagbabayad sa honoraria para sa Task Force Kapatid; ang hindi dokumentadong paggastos sa mga proyekto, at ang pagbabayad sa sahod ng mga regular na kawani.
               Sa panig naman ng PCA, matatandaang una nang natukoy ng CoA ang ilang hinihinalang iregularidad at maraming paglabag sa government procurement law kasunod ng auditing nito sa P688.718 milyon para sa Typhoon Yolanda relief operations, at sa anti-coconut scale insect project noong 2015.
               Samantala, inialay naman ng Borongan Diocese sa Samar ang lahat ng misa sa Miyerkules, Nobyembre 8, para sa mga nasawi sa pananalasa ng Yolanda.
               Ayon kay Borongan Bishop Crispin Varquez, ito ay bilang paggunita sa ikaapat na taon ng pananalasa sa lalawigan ng pinakamalakas na bagyo sa kasaysayan, na pumatay sa mahigit 6,000 katao.

Paalam Isabel Granada!

               Pumanaw na si Isabel Granada, 41, early morning of November 5, Manila time. Ang balita ay kinumpirma ng asawa niyang si Arnel Cowley sa pamamagitan ng Facebook post.
               “It is with great sadness that my wife Isabel Granada has peacefully passed here in Doha, Qatar. She has been a fantastic wife, mother and daughter. She always did her best in everything she did, whether it be in front of a camera or sports. I would also like to take this time to thank the Filipino community in Doha for giving their full support throughout this difficult time for myself and the family. Baby… wherever you might be… just always remember that I LOVE YOU and I miss you very much.”
               Nag-post din naman agad ang former husband ni Isabel na si Jericho Genasky Aguas sa Instagram: “Malaki ang naging parte mo sa aking buhay. Binigyan mo ako ng isang gwapo’t matalinong anak, makulay ang 14 yrs nating pagsasama. Sa lahat… mula sa aking puso’t kaluluwa… maraming maraming salamat… pahinga ka na… paalam Isa…” Nagsama siya ng pictures nilang mag-anak noong magkakasama pa sila.
               Isa rin sa unang nag-post sa Twitter ng kalungkutan sa pagpanaw ni Isabel si Maine Mendoza, at 1:30AM November 5: “Nakakalungkot naman… may you rest in peace, Ms. Isabel. Deepest condolences to her family and loved ones.”
               Hindi makakalimutan ni Maine si Isabel dahil isa ito sa sumali noon sa segment ng Eat Bulaga na “Challenge Accepted.” Celebrities ang naglalaban-labang contestants na every week ay nag-perform ng assigned na theme at tuwing Saturday, may weekly finals. Si Isabel ay sumali na ang theme ay isang taong-grasa, na may kasamang performance. Sa kabuuan ng contest, si Isabel ang nanalo sa grand finals.
             At bilang challenge din sa Dabarkads, si Maine ang naging taong-grasa, pumayag siyang maglibot sa mga lugar sa Manila at Baclaran. At sa studio, nag-perform si Maine, katambal si Alden Richards.
             Hindi iyon ang unang pagkikita nina Isabel at Maine. Nang magkaroon ng bagong segment sa EB, ang #DabarkadsGoals: The Ultimate Battle, sumali ang Team Alarma, sina Ryan Agoncillo at Maine ang magka-partner sa contest na sa grand finals, nakalaban nila ang team nina Luane Dy at Miggy ng That’s My Bae. Isa si Isabel, na kilalang mahusay na dancer noon pang panahon ng That’s Entertainment, sa judges noong July 25, na ang nanalo ay ang Team Alarma nina Ryan at Maine. Wala naman si Ryan dahil nagkasakit, mahusay pa ring nakapag-perform si Maine at nagkaisa ang judges na si Maine at ang kanyang team ang panalo.
          Wala pang ibinigay na detalye kung kailan iuuwi sa bansa si Isabel. Pero hinihintay na siya ng mga kasama niya, lalo na ng mga taga-That’s Entertainment na matagal niyang nakasama noon. Mula sa amin dito sa Balita, taos-pusong pakikiramay kay Mommy Guapa at sa asawa at anak ni Isabel.

NBA: Panalo ang warriors!

Ratsada ang Warriors, sa pangunguna nina Kevin Durant na may 25 puntos at Stephen Curry na kumana ng 22 puntos, sa third period tungo sa dominanteng 127-108 panalo kontra Denver Nuggets nitong Sabado (Linggo sa Manila).
Nag-ambag sina Klay Thompson at Draymond Green ng tig-15 puntos para sa Warriors, nagwagi ng ikaanim sa pitong laro, kabilang ang tatlo sa road game.
“Getting on the road was good for us,” pahayag ni Warriors coach Steve Kerr.
“Sometimes you need to get on the road to feel more threatened. A team like this especially that’s used to being successful. I thought we took a couple of home games for granted and we weren’t defending, we weren’t bring energy.”
Nanguna si Will Barton sa Denver sa naiskor na 21 puntos mula sa bench, habang bigo ang Denver’s starter na makadale sa double figures sa scoring.
Mula sa limang puntos na bentahe sa halftime, umarangkada ang Warriors tampok ang 24-4 sa pagsisimula ng third period para palubohin ang bentahe sa 84-59.
Naitala ng Warriors ang 43 puntos sa third — pinakamalaking puntos na napayagan ng Nuggets ngayong season — at 103-76 abante sa fourth quarter.
PELICANS 96, BULLS 90
Sa Chicago, hataw si Anthony Davis sa naiskor na 27 puntos at 16 rebounds sa panalo ng New Orleans Pelicans sa Bulls.
Kumubra si DeMarcus Cousins ng 25 puntos at 11 rebounds para tuldukan ang six-game, regular-season losing streak sa Bulls. Nag-ambag sina Jameer Nelson ng 13 puntos, Darius Miller na may 11, at Jrue Holiday na kumana ng 10 puntos para sa Pelicans.
Humugot si Justin Holiday ng 18 puntos para sa Bulls, habang kumana sina Denzel Valentine at Lauri Markkanen ng 16 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod.
GRIZZLIES 113, CLIPPERS 104
Sa Los Angeles, balanseng atake ang puhunan ng Memphis Grizzlies para pataubin ang Clippers.
Pitong Grizzlies ang nakaiskor ng double figures, sa pangunguna ni Mike Conley na may 22 puntos.
“Any time you can get multiple guys in double figures, it means the ball’s moving, everybody’s in rhythm, people are being unselfish,” sambit ni Grizzlies coach David Fizdale.
Kumubra si Blake Griffin ng 30 puntos para sa Clippers.
“They’re a team that every single guy is in attack mode,”sambit ni Clippers coach Doc Rivers. “That’s what makes them good. They also share the ball well and space the floor. Every single guy you have to be ready to guard. Just watching it was frustrating.”
WOLVES 112, MAVS 99
Sa Minneapolis, nagsalansan si Karl-Anthony Towns ng 31 puntos at 12 rebounds, habang kumana si Andrew Wiggins ng 23 puntos para sandigan ang Timberwolves kontra Dallas Mavericks.
Nasungkit ng Wolves ang ikaapat na sunod na panalo – unang pagkakataon sa prangkisa ng Minnesotta mula noong Dec. 7-15, 2012 kung saan isa lang junior player si Towns.
Nanguna sa Mavs si Matthew Barnes sa naiskor na 17 puntos sa Mavericks, nasa pinakasamang marka (1-10) sa NBA mula noong 1993-94 season.
Sa iba pang laro, ginapi ng Detroit, sa pangunguna ni Andre Drummond sa natipang 16 puntos at 19 rebounds, ang Sacramento Kings, 108-99.

Friday, November 3, 2017

Posibleng pagsabotahe ng mga Anti-Duterte sa ASEAN Summit, hindi binabalewala!

                    Sa nalalapit na paghohost ng Pilipinas sa  31st  Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) SUMMIT ngayong Nobyembre 10 - 14. Mas pinaigting ang seguridad sa mga lugar na pagdadaraosan ng naturang meeting.
                    Hindi binabalewala ng PNP at AFP intelligence ang mga haka-haka na possibleng sabotahin ng mga Anti-Duterte ang pagkakataong ito para tuluyang mapahiya at mapabagsak nila si PRRD dahil sa nangyari sa Summit.

                     Matatandaan na kahit anong paninira nalang ang kanilang ginawa para tuluyang mapababa ang trust ratings ng pangulo simula pa noong pagdawit nito sa Davao Death Squad na ibinunyag umano ni Matobato at ang panghuli ay ang pilit na pagdawit ni Trillanes kay Paolo Duterte na sangkot umano sa 6.4b halaga ng shabu na nasamsam ng  Bureau of Customs.
                      Dahil sa tila wala itong epekto at mas lalong lumalakas at dumarami pa ang supporta ng mga Pilipino sa pangulo. Hindi minamaliit ng mga kapulisan at hukbong pangsandatahan ng pilipinas ang mga posibilidad na ang paghasik ng terrorismo ang kanilang pwedeng gawin para sa ikasisira ng imahe ni Pangulong Duterte at ng kanyang administrasyon.

                      Simula Nobyembre 8 isinasara na ang ibang kalsada at hinigpitan na ang seguridad sa mga venue na pupuntahan ng mga lider ng ibat-ibang bansa. Nagdaragdag na rin ng karagdagang personalidad na tutulong upang maging matiwasay at payapa ang mga bisita sa ASEAN Summit at hindi lang ang mga bisita pati na rin ang sambayanang Pilipino.

                     Sana yung mga kontra sa pamamalakad ng Pangulo ay maghintay na lamang sila sa susunod na eleksyon at sa halip na siraan ang pangulo ay dapat sana mkipagtulungan na lamang sila kung ang talagang hangad nila ay ang ikauunlad ng bansang Pilipinas..

Relasyon ng Japan at Pilipinas mas pinaigting!

                 Nakabalik na si Pangulong Duterte mula sa kanyang state visit sa Japan at kaagad na inilahad ang karaniwan nang ayudang pang-ekonomiya na ipinangako ng bansa, kabilang ang pledge na isang trilyong yen — $9 billion — para tulungang pondohan ang malawakang programang imprastruktura ng administrasyong Duterte sa mga susunod na taon.

                 Ang unang kasunduan sa pautang ay nilagdaan nitong Lunes, ang unang araw ng state visit ng Pangulo. Ito ay para sa 15.92 billion yen (P7.25 bilyon) lan para sa proyektong Cavite Industrial Area Flood Risk Management. Ang isang proyekto na magkakaroon ng malaking epekto sa buhay ng mga taga-Metro Manila ay ang subway system na inaasahang epektibong makareresolba sa problema ng lugar sa lumulubhang trapiko.
               Subalit higit pa sa ekonomiya, isinusulong ng Pilipinas at Japan ang malapit na ugnayan sa harap ng personal na ugnayang namamagitan kina Pangulong Duterte at Prime Minister Shinzo Abe. Nang bumisita sa Pilipinas ang prime minister noong Enero, hindi natin nasaksihan ang karaniwan nang ceremonial call sa MalacaƱang, na kumpleto pa sa nakapalibot na military honor guard. Nagtungo si Prime Minister Abe sa bahay ng Pangulo sa Davao City kung saan mainit siyang tinanggap na parang miyembro ng pamilya.
                Inihayag ng prime minister nitong Martes sa Tokyo na ang nasabing pagbisita niya, na na-post sa Facebook, ay umani ng mahigit sa isang milyong views, karamihan ay mga Pilipino mula sa iba’t ibang dako ng mundo. Sa kanya namang talumpati sa Tokyo, pinasalamatan ni Pangulong Duterte si Prime Minister Abe at ang asawa nito sa pagiging punong abala sa inilarawan niyang “reunion between friends”. Ang namamagitan sa kanila ay pagkakaibigang “beyond official lines”, aniya.
                Mayroong partikular na aspeto ang ugnayan ng mga bansang Asyano na hindi karaniwa ng makikita sa ibang bahagi ng mundo. Ito ang personal na aspeto na nakaiimpluwensiya sa mga ugnayang opisyal. Ito ang bahagi ng pagiging tao na matinding tumutugon sa mga personal na pag-atake, kaya naman gumanti ng pang-iinsulto ang Asyanong tulad ni Kim Jong Un ng North Korea kay United States President Donald Trump. Ang pagbalikwas mula sa kahihiyan ay higit na mahalaga kaysa prangkang lohikal na pag-aanalisa sa sitwasyon.
                Sina Pangulong Duterte at Prime Minister Abe ay mga Asyanong pinuno na nauunawaan, tinatanggap, at inirerespeto ang isa’t isa, at ang personal nilang ugnayan ay higit pang maglalapit sa dalawang bansa. Pananatilihin natin ang matagal na nating ugnayan sa Amerika at isinusulong ang pagiging mas malapit pa sa China at Russia, subalit nasasaksihan mismo natin ang higit pang pagiging malapit ng Pilipinas at Japan sa mga susunod na taon, dahil kina Pangulong Duterte at Prime Minister Abe.

Recuiter daw ng Maute terrorist, natiklo

                   Itinanggi ng di umano’y Maute recruiter na si Karen Aizah Hamidon ang akusasyon sa kaniya ng National Bureau of Investigation na nagre recruit ito ng Maute members gamit ang Facebook.
                  Ayon kay Hamidon, ginagamit lamang niya ang social media upang ipahayag sa mundo ang ideyolohiya ng Islam at hindi ng teroristang Maute.

                  Aniya, tungkol lamang sa relihiyon ang ipinapakalat niya sa social media at wala aniyang basehan ang mga inaakusa sakaniya na nag re-recruit siya ng mga miyembro at financier ng Maute.

                  Kaninang umaga nga ay sumalang sa Preliminary Investigation ng Department of Justice si Hamidon, kaugnay sa 14 counts ng kasong rebelyon at paglabag sa cybercrime prevention act, na isinampa sa kaniya ng Nation Bureau of Investigation.