Thursday, October 26, 2017

PBA, sisikaping maging patas ang rookie draft 2017

                         Umapela ang Games and Amusement Board (GAB) sa Philippine Basketball Association (PBA) na maging balanse ito sa paparating na rookie draft.


Kasunod ito ng umano’y mga reklamo tungkol sa kasunduan ng San Miguel Beer at Kia Picanto.
Kamakailan kasi, naging maugong ang trade sa pagitan ng dalawang team kung saan makukuha ng SMB ang top pick sa PBA rookie draft ngayong taon.
Hawak kasi ng Picanto ang rights sa no.1 overall pick sa rookie draft.
Kapalit nito, mapupunta naman sa Kia ilang manlalaro ng Beermen gaya nina ronald Tubid, Yancy De Ocampo, Rashawn Mccarthy at maging ang first round pick ng koponan.
Ayon kay GAB Chair Abraham Mitra – dapat na maging balanse ang rookie draft dahil malaking tulong ito para mag-promote ng competitiveness sa liga at hindi madismaya ang PBA fans.
Umaasa rin ang GAB na mabibigyan ang mga koponan na may mababang winning records ng tiyansang maging pantay sa ibang malalakas na team.

Supt. Hansel Marantan babalik na serbisyo!

Kinumpirma ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na nakabalik sa serbisyo si Supt. Hansel Marantan.

Si Supt. Marantan ay ang opisyal na nanguna sa nangyaring umanoy rubout sa Atimonan Quezon noong 2013 na ikinasawi ng 13 katao.
Ayon kay Dela Rosa, naaprobahan ng Apellate board ng National Police Commission ang apela ni Marantan kaya wala aniyang magagawa ang Philippine National Police kundi ibalik sa serbisyo ang opisyal.
Taong 2014 nang una nang dinismis sa serbsiyo ni Dating PNP Chief Alan Purisima si Marantan dahil sa umanoy rubout sa Atimonan.
Sinabi pa ni Dela Rosa ang PNP Directorate for Personnel Records and Management o DPRM ang nakakaalam kung saang unit itinalaga si Marantan.
Sa panayam ng DZXL RMN Manila kay PNP Highway PATROL Group Chief Police Chief Supt. Arnel Escobal na kinumpirma nitong itatalaga sa PNP HPG si Marantan bilang office of the director.

9,300 personnel, nakahanda na para sa 11th ASEAN Defense Ministers Meeting sa Pampanga!

               Mahigit 9,300 security personnel mula sa Task Group Clark ang nakadeploy na ngayon sa Pampanga at nagbibigay ng seguridad sa on going 11th ASEAN Defense Ministers Meeting at 4th ADMM-Plus sa Clarkfield Special Economic and Freepost Zone sa Angeles City.


               Sinabi ni DILG oic Catalino Cuy, Officer-in-charge at Chairman ng Committee on Security, Peace and Order, Emergency Preparedness and Response -ang mga security personnel ay binubuo ng pnp, afp at iba pang security forces na naatasang magbigay ng seguridad sa may 200 ASEAN delegates na dadalo apat na araw na asean summit.
                Kaugnay nito ,ipinag utos din ni Cuy sa task group Clark personnel na pairalin ang maximum tolerance sa mga anumang grupo na magsasagawa ng kilos protesta at tiyaking hindi makakaabala sa pagdaigdigang pulong.

KABAYAN Partylist, may nakareserba nakapalit kay Congressman Harry Roque!

                Hindi pa man pormal na kinukumpirma ni KABAYAN Rep. Harry Roque kung may alok ba sa kanya ang Pangulong Duterte na palitan sa posisyon si Presidential Spokesman Ernesto Abella, may kapalit na ito agad na kongresista sa KABAYAN Partylist.


                  Ayon kay KABAYAN Rep. Ron Salo, inihahanda na nila ang pagproklama kay Atty. Ciriaco Calalang kapalit ni Roque.
                   Welcome naman kay Salo na mabibigyan ng pagkakataon si Roque na mapabilang sa Gabinete ng Pangulo bagamat ito ay appointive na posisyon at hindi elective position.
                   Mas makapangyarihan din aniya ang magiging posisyon ni Roque sa MalacaƱang bilang tagapagsalita ng Pangulo kaysa sa pagiging kongresista.
                   Matatandaan naman na nitong taon lamang ay nagkaroon ng gusot sina Salo at Roque matapos akusahan ni Roque si Salo na nasa likod ng board resolution na nagpapatalsik sa kanya sa KABAYAN Partylist.

Rejoinder affidavit isinumite ng mga pulis Caloocan sa DOJ!

Nagsumite ng rejoinder affidavits sa Department of Justice ang dalawang pulis na sangkot sa pagkamatay ng teenagers na sina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman alyas Kulot.
Present sa pagdinig ang dalawang sangkot na pulis na sina PO1 Ricky Arquileta at PO1 Jeffrey Perez maging ang taxi driver na si Tomas Bagcal kasama ang kanilang mga abogado.
Dumalo rin sa pagdinig ang mga magulang ni Carl na sina Eva at Carlito gayundin ang mga magulang ni Kulot na sina Eduardo at Lina Gabriel.
Personal na pinanumpaan ng dalawang pulis ang kanilang rejoinder affidavit habang ang mga magulang ni Kulot at Carl ay pinanumpaan din ang kani-kanilang reply affidavit.
Nagpahayag pa ang kampo ng pamilya ng mga biktima na magsumite ng written manifestation na naglalaman ng mga ebidensiya at ito ay pinagbigyan naman ng panel.
Nagdesisyon naman ang Department of Justice (DOJ) investigating panel na i-extend ang pagdinig sa Nobyembre 7 para mabigyan ng oras ang respondents na magsumite ng tugon sa pinakahuling manifestation ng complainants.

Wednesday, October 25, 2017

Inihain na election protest ni dating Sen. Bongbong Marcos,matatagalan!

                Inihayag ngayon ni Comelec Spokesman James Jimenez na tatagal ng halos pitong buwan ang proseso ng recount sa boto, na isinasagawa ng Comelec sa tatlong Lalawigan o pilot Provinces n Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental na tinukoy ng Presidential Electoral Tribunal na inihain ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

                Ayon kay Jimenez sa haba umano ng proseso ng recount ay hindi maglalabas ng  partial at incomplete o hindi kompletong resulta ang Comelec lalut ang pinag-uusapan dito ay nasa dalawa punto anim na milyong boto.
                 Paliwanag ni Jimenez na sa proseso ng decryption sa ilalim ng Automated Election ide-decode at iimprenta ng ballot image ng mga nakuhang boto mula sa SD cards upang makita kung tama ang nabilang na boto batay na rin sa protesta ng isang kandidato.
                Sinimulan noong lunes ng Comelec ang proseso ng decryption o pagdecode ng data sa resulta ng botohan sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental batay sa kautusan ng Presidential Electoral Tribunal.

Jona, ‘di na magagamit ang passport na iniaplay para sa ama!

                    Naging emosyonal si Jona nang maging panauhin ni Ms. Korina Sanchez-Roxas sa Rated K nitong nakaraang Linggo. Hindi napigilang maluha ng birit queen nang magkwento tungkol sa kanyang ama na pumanaw na nitong nakaraang Sabado, October 21.

                  “Inaplayan ko siya ng passport pero hindi namin nagamit together,” kuwento ni Jona.
                    Balak niyang maibiyahe ang kanyang ama sa ilang bansang pupuntahan niya para mag-show.
                   Iilan pa lamang ang nakakaalam na pag-ahon ng pamumuhay ng pamilya ang pinagsusumikapan ni Jona, kesehodang kayod-kalabaw siya para maipagamot ang kanyang tatay na dinapuan ng malubhang karamdaman.
                   Sa nakaraang bagyo sa kanyang buhay, hinding-hindi niya makakalimutan and mga taong sumusuporta sa kanya at sa kanyang pamilya.
                     “Thankful ako kasi marami pong nagpapakita ng support at pagmamahal sa pamilya namin sa ganitong pagkakataon po na dumadaan po kami sa pagsubok. Talagang napi-feel ko na very close, very tight po ‘yung samahan ng pamilya namin,” madamdaming pagtatapos ng birit queen.
                     Isa sa ipinagmamalaking artists ng ASAP si Jona na kabilang sa mga pinagkakaabalahan ngayon ang kanyang nalalapit na concert.
                     Nitong mid-year, tatlo sa mga kanta niya ang napabilang sa Top 10 Billboard charts, ang Pusong Ligaw, Maghihintay Ako, at You.