Nagsumite ng rejoinder affidavits sa Department of Justice ang dalawang pulis na sangkot sa pagkamatay ng teenagers na sina Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman alyas Kulot.
Present sa pagdinig ang dalawang sangkot na pulis na sina PO1 Ricky Arquileta at PO1 Jeffrey Perez maging ang taxi driver na si Tomas Bagcal kasama ang kanilang mga abogado.
Dumalo rin sa pagdinig ang mga magulang ni Carl na sina Eva at Carlito gayundin ang mga magulang ni Kulot na sina Eduardo at Lina Gabriel.
Personal na pinanumpaan ng dalawang pulis ang kanilang rejoinder affidavit habang ang mga magulang ni Kulot at Carl ay pinanumpaan din ang kani-kanilang reply affidavit.
Nagpahayag pa ang kampo ng pamilya ng mga biktima na magsumite ng written manifestation na naglalaman ng mga ebidensiya at ito ay pinagbigyan naman ng panel.
Nagdesisyon naman ang Department of Justice (DOJ) investigating panel na i-extend ang pagdinig sa Nobyembre 7 para mabigyan ng oras ang respondents na magsumite ng tugon sa pinakahuling manifestation ng complainants.
No comments:
Post a Comment