Thursday, October 26, 2017

KABAYAN Partylist, may nakareserba nakapalit kay Congressman Harry Roque!

                Hindi pa man pormal na kinukumpirma ni KABAYAN Rep. Harry Roque kung may alok ba sa kanya ang Pangulong Duterte na palitan sa posisyon si Presidential Spokesman Ernesto Abella, may kapalit na ito agad na kongresista sa KABAYAN Partylist.


                  Ayon kay KABAYAN Rep. Ron Salo, inihahanda na nila ang pagproklama kay Atty. Ciriaco Calalang kapalit ni Roque.
                   Welcome naman kay Salo na mabibigyan ng pagkakataon si Roque na mapabilang sa Gabinete ng Pangulo bagamat ito ay appointive na posisyon at hindi elective position.
                   Mas makapangyarihan din aniya ang magiging posisyon ni Roque sa Malacañang bilang tagapagsalita ng Pangulo kaysa sa pagiging kongresista.
                   Matatandaan naman na nitong taon lamang ay nagkaroon ng gusot sina Salo at Roque matapos akusahan ni Roque si Salo na nasa likod ng board resolution na nagpapatalsik sa kanya sa KABAYAN Partylist.

No comments:

Post a Comment