Ayon kay Jimenez sa haba umano ng proseso ng recount ay hindi maglalabas ng partial at incomplete o hindi kompletong resulta ang Comelec lalut ang pinag-uusapan dito ay nasa dalawa punto anim na milyong boto.
Paliwanag ni Jimenez na sa proseso ng decryption sa ilalim ng Automated Election ide-decode at iimprenta ng ballot image ng mga nakuhang boto mula sa SD cards upang makita kung tama ang nabilang na boto batay na rin sa protesta ng isang kandidato.
Sinimulan noong lunes ng Comelec ang proseso ng decryption o pagdecode ng data sa resulta ng botohan sa Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental batay sa kautusan ng Presidential Electoral Tribunal.
No comments:
Post a Comment