Tuesday, October 31, 2017

Gin King Champion na may Bonus pa!

                          Barangay Ginebra import Justine Brownlee plans to take a much-needed vacation in Batangas and, possibly, Hawaii.
                         Rookie wingman Kevin Ferrer hopes to bring his family to Hong Kong after his breakthrough PBA championship.
                       Ace big man Greg Slaughter is bent on rewarding himself, more than anyone else, after making a sustained recovery from an anterior cruciate ligament (ACL) injury.
                     Finals MVP LA Tenorio wants to put most of his latest windfall in building a new house. Backup forward Raymond Aguilar, another first-time pro league champion, is eager to try his luck in the world of business – primarily on trucking.
                    For veteran guard Jay-Jay Helterbrand who has already called it quits after a decorated 17-year career?
                    “I have no job now so I’m just gonna save it for the future,” he told Bulletin-Tempo in between laughs on Monday night during the Gin Kings’ victory party at the San Miguel Corp. main headquarters in Ortigas Center in Mandaluyong City.
                    “I just want to enjoy (more) time with my kids and take them to shopping probably,” he added, still sounding in high spirits despite being three days removed from Ginebra’s successful title defense of the PBA Governors Cup crown at the expense of Meralco in a thrilling finals duel that went the full seven-game route.
                     A one-time league MVP winner who has collected his sixth PBA title in nine trips to the finals after being a direct hire of Ginebra in 2000, Helterbrand, 41, disclosed that he has already sat down with SMC top honcho Ramon S. Ang and SMC sports director Alfrancis Chua to help him plan his immediate future better.
                    “I talked to the (Ginebra team) management and they told me they’re gonna help me in terms of some business related to Ginebra and San Miguel. I just wanna thank Boss RSA and coach Al for really looking out for their players,” said the former Kentucky State standout who formed the popular backcourt tandem dubbed as “The Fast and the Furious” with high-scoring guard Mark Caguioa.
                    The 7-foot Slaughter, who missed the Gin Kings’ title quest last year due to an ACL injury, admitted he’s just glad to help Helterbrand walk away from the spot on top.
                    “Now that JJ is retiring, I’m just really happy that we were able to get this for him,” said the former Ateneo star center, who was earlier adjudged as the Best Player of the Conference in the season-ending tourney.
                  “I keep saying it’s great but I cant really describe the feeling. It’s just unreal. I finally made it after a lot of work and sacrifices especially with this special group of guys.”
                  His personal work, however, is far from done, added Slaughter. “I’m looking to invest a lot of that (bonus) to myself. I’m still working on my game. I’m still having rehab and I feel I’m not still 100 percent in terms of my conditioning. I’m just gonna keep on working hard,” he said.
                   Meanwhile, the 6-foot-3 Ferrer, who has already put up a health and fitness gym center in Makati City, added he also wants to buy a new house and lot.
                   “‘Yun na rin talaga ang hinahanap ko ngayon. Gusto ko nasa gitna lang rin ng training center namin tapos game venues. Tsaka dapat mura rin,” he said, tongue in cheek.

Mataas na respeto ipinakita ni Japan Prime Minister Shinzo Abe kay Pres. Duterte!

                Mataas na restpeto ang ibinigay ni Japan Prime Minister Shinzo Abe kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagharap nito sap ag-atake ng mga terorista sa Marawi City.


                Sinabi ni ni PM Abe na bilib siya sa mga ginawang hakbang ni Pangulong Duterte para lutasin ang problemang dulot ng Maute-ISIS terror group na nagdulot ng giyera na tumagal ng halos 5 buwan.


                Dahil aniya sa mga hakbang ni Pangulong Duterte ay ipinakita nito ang paninindigan na labanan ang terorismo na kalaban ng buong mundo at ang pagnanais nitong maibangong muli ang Marawi City.


                Kaya naman tiniyak ni Abe na susuportahan nito ang lahat ng pagsisikap ng Administrasyon para maibalik sa normal ang buhay ng mga Maranao at maging ang pagtatatag ng Autonomous Government sa Mindanao.



                Samantala mamaya naman ay uuwi na si Pangulong Duterte dito sa Pilipinas matapos ang tatlong araw na official visit sa Japan at inaasahan itong darating sa Davao International Airport mamayang 9:00 gabi.

Financier ng bandidong grupo arestado!

                 Naaresto ng mga tauhan ng PNP Criminal Investigation and Detection Group, National Capital Region Police Office ang nagsisilbing financier ng Abu Sayyaf Group.

                 Kinilala ni CIDG NCR Chief Wilson Asueta ang naarestong suspek na si Abulpatta Abubakar na may mga kasong kidnapping and serious illegal detention at sangkot sa nangyaring Sipadan Kidnapping Case noong April 23, 2000.
                  Una nang naaresto ang suspek ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport nang dumating ito mula sa Jeddah Saudi Arabia nitong nakalipas na buwan pero pinalaya dahil wala pang sapat na ebidensya ang mga awtoridad para -iugnay ito sa Sipadan kidnapping killing case kung saan 10 mga banyaga mula sa europe at middle east at 11 malaysain resort workers ang dinukot ng Abu Sayyaf Group.
                 Sa ngayon nasa kustodiya na ng CIDG NCR ang suspek habang inaayos na ang mga dokumento para sa kinakaharap nitong kaso.

Responsibilidad ng Marawi inako ni PRRD!

                   Handa si Pangulong Duterte na harapin ang umano’y pagdedemanda ng ilang taga-Marawi City dahil sa pagkawasak ng siyudad, kasunod ng limang-buwang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at ng Maute-ISIS.
                   Kinilala ng Pangulo ang karapatan ng bawat tao na iasunto ang gobyerno at tiniyak na aakuin niya ang “full responsibility” sa mga idinulot ng pagdedeklara niya ng batas militar sa Mindanao.
                   “I declared martial law to answer the challenges of the moment and I take full legal, criminal, and civil liability.
                    Ako ‘yun,” lahad ni Duterte sa press conference bago umalis patungong Japan nitong Linggo ng gabi.
                     “I hold myself solely responsible for what happened, including what—the things that—the incidents there, the events that transpired. Sabi ko, I take full responsibility for all,” dagdag pa nya.
                     Ilang residente ng Marawi City ang iniulat na ikinokonsidera ang pagsasampa ng kaso laban sa pamahalaan sa pagkamatay ng mga sibilyan at pagkawasak ng siyudad kasunod ng giyera.
                     Nais umano ng grupo na papanagutin ang Pangulo sa pagkawasak ng siyudad dahil sa labanan, na nagsimula noong Mayo 23.
                    “I agree with you that if you have a gripe, and you think that justice should be done,” ani Duterte. “And if they think that the Philippine courts would be prejudiced or biased, they can always go to the International Criminal Court,” dagdag pa nya.
                   Dahil tapos na ang sigalot sa Marawi, inihayag ng Pangulo na sisimulan na ng gobyerno ang malawakang rehabilitasyon ng siyudad. Sinabi ni Duterte na hihingi siya ng suporta sa Japan para sa pagtatayo muli ng Marawi sa kanyang pagbisita sa Tokyo.
                   “Japan has advanced the news that they will help in rebuilding Marawi. So, with China, papunta na dito ‘yung equipment nila,”.

Monday, October 30, 2017

Panibagong pwersa ng army dudurog sa NPA!

               Sa layuning durugin ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA), ipinakalat na ng militar ang dalawang bagong tatag na combat maneuvering battalion sa mga lugar na pinagkukutaan ng mga rebelde sa hilaga at katimugang Mindanao.

                 Ang dalawang bagong combat maneuvering battalion ng Philippine Army ay ang 88th Infantry  Battallion (88th IB) at 89th Infantry Battallion (89th IB).
                 Sa Bukidnon itinalaga ang 88th IB at magbabase sa Maramag, habang sa Davao del Norte naman ang 89th IB, na may base sa bayan ng Sto. Tomas.
                Ang 88th IB ay binubuo ng mga sundalo mula sa magkakaibang dibisyon ng Army, ang 3rd, 8th, at 9th IDs, at ng mga bagong nagtapos mula sa 4th ID.
                Layunin ng dalawang bagong batalyon na ayudahan ang mga sundalong nasa lugar na, upang tuluyan nang durugin ang mga natitirang miyembro ng NPA, ang armadong sangay ng Communist Party of the Philippines (CPP).
                 Kasabay nito, hinimok ni Army Chief, Lt. Gen Rolando Bautista ang mga bagong batalyon ng sundalo na iwasan ang pulitika habang tumutupad sa kanilang tungkulin, ngunit patuloy na magpursige sa pagtalima sa mga layunin ng militar.

PBA: J-J Helterbrand nagretiro na!

                  Ilang araw matapos tulungan ang Gin Kings na talunin ang Meralco Bolts para muling magkampeon sa Governor’s Cup, inanunsiyo na ni J-J Helterbrand ang kaniyang pagreretiro matapos ang labing-pitong season sa Barangay Ginebra.


                  Ayon kay Helterbrand, masaya siya na tapusin ang kaniyang career matapos muling manalo ng titulo. Bagamat may mga alok si Helterbrand sa labas ng hard court, sinabi nitong magpapahinga muna siya bago niya pag-isipan kung ano ang gagawin niya sa hinaharap.
                  Si Helterbrand ay pumasok sa Gin Kings noong 2000 at sumikat bilang ka-tandem ni Mark Caguioa sa binansagang “The Fast and the Furious” backcourt ng Ginebra.
                  Siya ay nagkamit ng MVP Award at napili ng pitong beses na napasama sa PBA All Star selection.

Sec. Duque, malaki ang chance na maaprove ng CA!

Ikinatuwa ni Senator JV Ejercito ang pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating Secretary Francisco Duque sa Department of Health.

Bilang chairman ng senate committee on health ay excited na rin si Ejercito na makatrabaho si Sec. Duque.
Diin pa ni Ejercito, si Duque ay disente, at may mataas na integridad at kredibilidad.
Naniniwala si Ejercito na hindi mahiharapan si Duque na makalusot sa Commission on Appointments o CA.
Si Duque ay itinalaga ni Pangulong Duterte kapalit ni dating Health Secretary Paulyn Ubial na panlimang miyembro ng gabinte na hindi nakalusot sa CA.
Bago si Ubial, ay naunang ng ibinasura ng CA ang appointment nina Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., Environment Secretary Gina Lopez, DSWD Sec. Judy Taguiwalo at DAR Sec. Rafael Mariano, Marc Anthony Ventura, naghain pa rin ng counter affidavit kahit bumaliktad na sa Atio Castillo hazing case; Arvin Balag, nag-subscribe na rin ng kontra salaysay habang nakakulong sa senado.

Sunday, October 29, 2017

Asec. Mocha Uson, gustong pakasuhan ang nagpost ng maling larawang kanyang nagamit.

               Nais ngayon ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson na papanagutin ang umano’y unang nag-share ng maling litrato.

                Noong October 23, ibinahagi ni Uson sa social media ang isang litrato ng malinis at maayos na Marawi City na may caption na “grabe naman ang bilis naman kumilos ng gobyerno.”

               Nadiskubre ng netizens na ang litrato na ibinahagi ni Uson ay kinuhan noong May 25, ikatlong araw ng Marawi siege, para sa online news website na Rappler.

               Ayon kay Uson, nakuha niya ito mula sa page na mula sa masa, para sa masa, ang social media account ng tabloid na inilunsad ni Communications Secretary Martin Andanar.

               Sinabi ni Uson na matapos niyang i-share ito ay pinuna ng naturang online news website ang kanyang post at sinisi siya sa pagkalat ng “fake news”.

                Nang kanyang tanungin ang administrator ng page ng nasabing tabloid sa PCOO viber group, sinabi nila sa kanya na hindi umano kumuha ng clearance ang nag-post ng litrato mula sa Rappler kaya’t hiniling niya kaya Andanar na patawan ng kasong administratibo ang nasa likod nito.

Davao City Mayor Sarra, gustong mgpa exempt sa jeepney modernizarion

                 Makikiusap umano si Mayor Inday Sara Duterte-Carpio sa Department of Transportation (DOTr) upang mabigyan ng exemption ang Davao City kaugnay sa ipapatupad na jeepney modernization sa boung bansa.


                Ayon sa alkalde, hindi na kailangan ang jeepney modernization program dahil magpapatupad na ang davao ng high priority bus system sa 2019, bilang isa sa mga mode of mass transport system.

                 Bukod dito, inaasahan na rin nila ang Mindanao Railway System, lalong-lalo na ang Metro Davao Rail ng magkokonekta sa Digos City, Davao Del Sur papasok ng Davao City, hanggang sa Tagum City, Davao Del Norte.

                Ipinangako ng pamahalaang lungsod na hindi mapi-phase out ang mga jeepney at tricycle sa ilalim ng high priority bus system, dahil sila ay ilalagay sa mga daan na hindi papasukin ng mga bus.

Pilipinas at China mas naging close, ekonomiya ng Pilipinas aasenso

                Ipinagmalaki ng Chinese Embassy ang mabilis na paglakas ng bilateral ties ng Pilipinas at China sa maikling panahon ng panunumbalik ng mainit na relasyon.


               Sa event ng Chinese State Media sa Makati sinabi ni Chinese Embassy Counselor Ethank Sun Yi na ang China na ngayon ang pinakamalaking Trading Partner, import market at ika-apat na Export destination ng Pilipinas.

                Batay anya sa Statistic ng China, pumalo na sa 28 billon US Dollars ang Billateral Trade ng Pilipinas at China sa unang pitong buwan ng 2017 mataas ng 7.6 percent kumpara noong nakaraang taon.

               Bukod diyan umaabot sa 20 million US Dollars ang Foreign Direct Inveatment ng China sa Pilipinas mula noong Enero hanggang Hulyo.

              Matatandaang bumagsak ang relasyon ng Pilipinas at China noong nakaraang Administrasyon kung saan umapela ang Pilipinas sa agresibong aksyon ng China sa Weat Philippine Sea.

               Samantala , matapos ang sampung taon nakatkdang bumisita dito sa bansa si Chinese Premire Li Keqiang para sa Asean Summit.
Inaasahan din na makipagpulong siya sa mga opisyal ng gobyerno sa Pilipinas.

Saturday, October 28, 2017

AFP chief of staff, pwedeng palawigin ang termino dahil sa pinaiiral na Martial Law

                Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na mapapalawig pa ang termino ng bagong Armed Forces of the Philippines Chief of staff na si Lt. Gen. Rey Leonardo Guerrero.


                Si Guerrero ay umupo bilang ika-49th AFP chief of staff na nakatakdang magretiro sa darating na buwan ng Disyembre sa mandatory retirement age na 56 taong gulang.
                Ayon kay Secretary Lorenzana, nakasaad sa batas na ang Pangulo ay may karapatan palawigin ang termino ng isang chief of staff ng mula tatlong buwan hanggang anim na buwan.
                 Maari aniyang maging basehan ng Pangulo sa extension ang umiiral na martial law.
                 Sinabi pa ni Lorenzana na halos walang magagawa si General Guerrero kung dalawang buwan lamang itong manunungkulan bilang AFP chief of staff.
                Samantala, sinabi ni Lorenzana na nakadepende sa sitwasyon sa Marawi, rekomendasyon ng Armed forces of the Philippines at Philippine National Police ang pagpapalawig ng martial law sa Mindanao na epektibo pa hanggang December 31, 2017.

Kamara LP member, binayaran lang daw si Sereño para idawit sina Drilon at Roxas.

               Pinagdududahan ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat ang pahayag ng drug money bagman na si Ricky Sereño na sangkot sa illegal drug trade operation sa Visayas sina Senator Franklin Drilon at dating LP bet Mar Roxas.



                Giit ng LP member na si Baguilat, mukhang binayaran si Sereño para idawit sina Drilon at Roxas.
                Aniya, bahagi lamang ito ng paninira ng administrasyon sa mga opposition leaders na pangunahing kritiko din ng Pangulong Duterte.
                Dagdag pa ni Baguilat, nais lamang i-divert ng gobyerno ang atensyon ng publiko para makalimutan ang mga isyu na kinasasangkutan ng pamahalaan kaya nagpapalutang ang mga itong gawa-gawang balita.

Raptors wagi sa Lakers, habang Wizard bigo naman sa Warriors!

                Nabigo ang Los Angeles Lakers na masungkit ang pangatlong panalo nila matapos na pataubin ng Toronto Raptors sa NBA ‎2017-2018 season.


                Panalo ang Raptors sa iskor na 101-92.


                Nag-ambag sa panalo ng Raptors si Kyle Lowry na gumawa ng triple-double 11 points, 10 rebounds at 12 assists para talunin ang Lakers.



                Ang young gun naman ng Lakers na si Kyle Kuzma ay umiskor ng 15 points para sa kanyang koponan, pero hindi pa rin ito nakasapat.

                Habang tinalo naman ng Golden State Warriors ang Washington Wizards sa iskor na 117-120 sa NBA ‎2017-2018 season.


                 Ejected sina Warriors forward Draymond Green at Wizards Guard Bradley Beal matapos nilang magkainitan sa unang quarter ng laban.


                 Bumida sa Warriors si 2-time MVP Kevin Durant na nagtala ng 31 points at nag ambag naman sa kaniya si Stephen Curry na umiskor ng 20 points.


                 Si 2013 3rd overall pick naman na si Otto Porter Jr. ay umiskor ng 29 points para sa Wizards.

Thursday, October 26, 2017

1st Philippine Aviation Day, idinaos

                 Idinaraos ngayon ang 1st Philippine Aviation Day kung saan nagsama sama ang lahat ng air carrier sa bansa tulad ng Philippine Airlines, Cebu Pacific at Air Asia.

         
       Isa sa mga panauhing pandangal ay si DOTr Sec. Arthur Tugade kung saan ibinida nito ang mga improvements na kanilang nagawa sa mahigit isang taong panunungkulan sa pwesto.
                 Kabilang dito ang pagkakapasa ng Civil Aviation Authority of the Philippines sa Global Safety audit ng International Civil Aviation Organization.
                 Ang pagkakatanggal ng Ninoy Aquino Int’l Airport sa worst airport in the World & in Asia.
                 Maliban sa pagkakatanggal bilang worst airport, 4 na paliparan din natin ang kasama sa TOP 25 Best airports in Asia ngayong taon.
                Kabilang ang Iloilo Davao Mactan-Cebu at Clark Int’l Airport.
                 Ibinunyag naman ni Sec. Tugade ang mga sikreto kung bakit natanggal ang NAIA sa worst airport in world & Asia.
1) Nawala na aniya ang laglag bala o tanim bala scheme
2) Ang mga palikuran sa ating paliparan ay maayos, may tubig at hindi na mapanghi
3) Wala ng pila para sa OFWs
4) Mayruong libre at mabilis na Wi-Fi
5) Pagpapatupad ng restrictions sa general aviation
                    Samantala, sinabi pa ni Tugade na magtutuloy tuloy ang improvements sa ating mga paliparan upang makamit ang mithiin ng pamahalaan na makasama ang ating mga paliparan hindi lamang sa good o better airport bagkus maging Best Airport in the World.

Mambabatas gustong tulungan ng DepEd ang mga gurong baon sa utang!

Hiniling ng isang mambabatas sa Department of Education na tulungan ang mga guro na baon sa pagkakautang.


Pinarerebisa ni A-1 Ang Edukasyon PL Rep. Salvador Belaro ang DepEd Order tungkol sa take-home pay ng mga guro na naka-set lamang sa P4,000 ngayong taon at nasa P6,000 na sa 2018.
Layon ng net take home pay na limitahan sa mga kaltas sa sweldo ang mga guro pero ang nangyayari ay maraming public school teachers ang baon sa utang at halos wala nang maiuwing sweldo.
Karaniwang baon sa utang sa mga private lending companies ang mga guro kaya lalong tumataas ang interes sa utang ng mga ito kapag hindi agad nababayaran.
Iminungkahi ni Belaro sa DepEd na isailalim sa intensive formal trainings tungkol sa financial literacy at personal finances ang mga guro upang maisaayos ang kanilang mga gastusin.

Francisco Duque III muling tinalaga bilang DOH Secretary!

Tanggap na tanggap ng mga empleyado ng Department of Health ang muling pagbabalik ni Incoming Health Secretary Francisco Duque III.


Ayon kay DOH Spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy inaasahan pang sa Lunes magsisimula ang panunungkulan ni Duque kung saan walang pagtutol ang mga empleyado ng DOH sa pagbabalik ng dating kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan.
Si Duque ay dating DOH Secretary sa panahon ni dating pangulong GMA at itinalaga ni pangulong Duterte kapalit kay Paulyn Ubial na ibinasura ng Commission on Appoinntment ang kanyang kumpirmasyon.
Nagtapos ng medisina sa UST kumuha ng masteral degree in pathology sa Georgetown University sa Washington DC, bago pumasok sa DOH, itinanalaga siya bilang President at CEO ng Philhealth mula ‎2001-2005,na naging kontrobersya at naging DOH Secretary mula ‎2005-2010, itinalaga rin ni dating pangulong Noynoy Aquino bilanh Civil Service Commission Chairperson mula ‎2010-2015 at sa Duterte Administration itinalaga siya bilang Chairman ng GSIS.

Davao City Vice Mayor handa ng magritiro!

                Magreretiro na sa pulitika si presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte sa 2019.

                Nagpasya si Paolo Duterte na tapusin na lamang ang kanyang termino matapos makitang umiiyak ang kanyang anak na babae na si Sabina at ang asawa dahil sa naging akusasyon ni Senador Antonio Trillanes IV na miyembro siya ng drug syndicate.
               Inindorso naman niya ang bayaw na si Atty. Manases Carpio na kwalipikadong mamuno sa Davao City habang posible rin sumabak sa pulitika ang kapatid nilang si Sebastian “Baste” Duterte.
                Una nang sinabi ni Davao City Mayor Sara Duterte na wala siyang balak na tumakbong senador sa 2019 pero plano niyang kumandidato bilang kongresista ng 1st district ng Davao City.

Muling bibisita sa Pinas si Chinese Premier Li Keqiang makalipas ang sampung taon!

Matapos ang sampung taon, muling bibisita sa bansa si Chinese Premier Li Keqiang.


Ito ang inanunsyo ni Chinese Embassy Counsellor Ethan Yi Sun sa kanyang talumpati sa China-Philippines dialogue 2017.
Ayon kay sun, bibisita si Li sa Nobyembre at iba pa ito sa kanyang pagdalo sa magaganap na Association of South East Asian Nations Summit na pamumunuan ng pilipinas sa kaparehong buwan.
Hindi pa rin siya sigurado kung dadalo ang premier sa ASEAN kung saan hinihintay pa nila ang official announcement mula sa foreign ministry sa kaniyang magiging schedule.
Sinabi pa ni Sun na nakatakda din siyang makipagpulong kina Pangulong Duterte, Senate President Koko Pimentel at House Speaker Pantaleon Alvarez.

Buhay Party-list Rep. Lito Atienza nais na Pinoy ang katuwang ng Comelec!

                Nanawagan si Buhay Party-list Rep. Lito Atienza na rebisahin ang Automated Election System (AES) ng bansa upang tanging organisasyong pag-aari ng Pilipino ang mapahintulutang magkaloob ng serbisyong panghalalan, gaya ng ibinigay ng Smartmatic sa nakalipas na mga eleksiyon sa Pilipinas.

                Aniya, kung nililimitahan ng Konstitusyon ang pagmamay-ari at pangangasiwa sa mass media sa Pilipinas para sa mga 100 porsiyentong kumpanyang Pinoy at nililimitahan ang mga dayuhan sa 40 porsiyentong pagmamay-ari ng mga kumpanyang telecoms at mga eskuwelahan, mas mayroong dahilan upang maipaubaya lamang sa mga pangangasiwa ng mga Pilipino ang eleksiyon sa Pilipinas.
               Ang hakbangin ng kongresista ang pinakahuling pagsisikap mula sa iba’t ibang larangan, sa nakalipas na mga taon, upang maiwasto ang mga pagkakamali sa sistema ng automated elections na nagsimula sa paghahalal ng pangulo noong 2010, makaraang mapagtibay ang Election Automation of 2006.
               Totoong naisakatuparan ng automated elections ang layuning mapabilis ang canvassing ng mga boto, naglaho ang ilang linggo nang kawalang katiyakan na bumabalot sa bansa habang hinihintay ang opisyal na resulta ng halalan. Subalit nagbunsod ito ng mga panibagong problema. Dahil ang mga computer ay maaaring ma-hack ng mga eksperto, nagkaroon ng mga pagdududa sa ilang resulta ng botohan, kabilang ang paghahalal ng mga senador noong 2013.
              Labis na pinaghinalaan ang naging papel ng Smartmatic, na nagkaloob ng mga counting machine na ginamit sa buong bansa. Lumutang ang mga akusasyon ng sabwatan sa pagitan ng Commission on Elections at Smartmatic. Kabilang sa mga usapin sa reklamong impeachment laban kay dating Comelec Chairman Andres Bautista ang napaulat na pagbabayad ng milyun-milyong pisong halaga ng referral fees sa opisyal sa pamamagitan ng isang law firm na nagkataong kabilang ang Smartmatic sa mga kliyente nito.
                   Hindi partikular na kinukuwestiyon ng panukala ni Congressman Atienza ang record ng Smartmatic sa eleksiyon, kundi ang pagkakabase nito sa London sa United Kingdom, na 100 porsiyentong pagmamay-ari ng mamamayan ng Venezuela. Naniniwala siyang ang pambansang halalan, na nasa sentro ng demokratikong Pilipinas, ay hindi dapat na buksan sa posibleng impluwensiya ng isang dayuhang kumpanya.
                  Mababanggit din sa usaping ito na sa election protest ni dating Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. laban kay Vice President Leni Robredo, iginiit niyang nagsimulang kumaunti ang bilang ng kanyang mga boto matapos ang walang permisong pagbabago sa script ng Smartmatic at ng ilang opisyal ng Comelec sa Transparency Server upang iwasto ang baybay ng pangalan ng isang kandidato.
                  Ngayong nagbitiw na sa tungkulin ang Comelec chairman at itatalaga pa lamang ni Pangulong Duterte ang papalit dito, panahon nang pag-aralan ng komisyon ang matagal nang pinagdedebatehan na pakikipagtulungan nito sa Smartmatic, at seryosong ikonsidera ang apela para sa isang kumpanyang pagmamay-ari at kontrolado ng Pilipino na magkakaloob ng serbisyo at kagamitan sa halalan sa Pilipinas.
                  May ilan ding mungkahi ang maraming kinauukulang sektor, partikular ang National Movement for Free Elections (Namfrel), na isagawa ang manu-manong pagbilang sa mga boto na sasabayan ng automated na paglilipat ng mga resulta ng botohan sa mga canvassing center. Makatutulong ito upang makatiyak ang mga botante na aktuwal na nabilang ang kanilang mga boto at hindi basta na lamang minamadyik ng mga voting machine, na madali lamang i-program.
                 Mahalagang bukas ang bagong pamunuan ng Comelec sa nasabing panukala at sa maraming iba pa na pawang ang layunin ay matiyak ang tapat na eleksiyon upang matuldukan na ang mga pagdududa na ilang taon nang ipinalulutang. Ang panawagan ni Congressman Atienza para sa 100 porsiyentong Pinoy na teknolohiya at serbisyong panghalalan ay isang malaking hakbangin patungo sa ideyang ito.

Bagong AFP Chief of Staff, uubusin ang mga armadong grupo sa bansa!

Bubuo ang AFP ng 10 bagong batalyon para ubusin ang lahat ng armadong grupo sa bansa.


Ito ang inihayag AFP Chief of Staff Lt. Gen Rey Leonardo Guerrero matapos pormal na manungkulan kahapon.
Ayon Kay Gen. Guerrero, kasama sa mga tatargetin ng pinalakas na kampanya ng AFP ang NPA, mga terrorista at lahat ng lawless armed groups.
Ito ay kasunod ng tagumpay ng AFP sa giyera sa Marawi kung saan epektibong nabura na sa mapa ang Maute terror group.
Sinabi ni Guerrero na sisikapin nilang gawin ang lahat ng kanilang makakaya para ma-neutralize ang mga threat groups na ito sa loob ng dalawang buwan.
Ang limitadong panahon ay dahil nakatakdang magretiro sa serbisyo si Guerrero sa Disyembre, kung hindi ma-eextend ang kanyang termino.

Ex-Chief of Staff ni Ex-Senator JP Enrile, sumalang na sa bail petition hearing

                         Sumalang na sa pagdinig ng bail petition sa Sandiganbayan 3rd division si Atty. Gigi Reyes na kapwa akusado ni dating Senador Juan Ponce Enrile sa plunder at graft dahil sa pork barrel scam.


                          Humarap naman sa kanyang bail hearing si Reyes at humarap din ang testigo ng prosekusyon na si whistleblower Benhur Luy.
                         Agad namang isinalang ng abogado ni Reyes na si atty. Anacleto Diaz si Luy sa cross examination.
                            Umamin muli si Luy na nameke siya ng mga lagda sa mga dokumento ng pork barrel funded projects pero sa utos lamang anya ito ni pork barrel scam queen Janet Napoles.
                            Inamin din ni Luy na hindi nya nakitang lumagda sa anunang memorandum of agreement para sa implementasyon ng PDAF projects.

Gun ban ipapatupad sa Asean Summit

                          Nilinaw ngayon ni National Capital Region Police Chief, Police Director Oscar Albayalde na hindi lang sa Metro Manila kundi pati narin sa buong Region 3 ipatutupad ang gun ban o ang pagpapawalang bisa ng Permit to Carry Firearms Outside Residence o PTCFOR.


                         Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Albayalde na sisimula ang nasabing gun ban sa November 1 hanggang November 15 kasabay na rin ng gaganaping Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Summit.
                         Ito aniya ay inaprubahan na ni PNP Chief Director General Ronald Bato dela Rosa.
                         Kaugnay niyan ay sinabi ni Albayalde na magsasagawa sila ng ilang police operations para masanitize ang ilang lugar sa Metro Manila para sa ASEAN Summit.
                           Kabilang aniya sa mga lugar na ito ay ang Quiapo, Baseo Compound at Maharlika Village sa Taguig.
Paliwanag ni Albayalde, madalas kasing pinagtataguan ng mga criminal ang mga lugar na ito kaya kailangang linisin ang mga ito bago ang ASEAN Summit.

BFP, itataas ang alert status ngayong panahon ng undas

                         Simula bukas, itataas na ng Bureau of Fire Protection ang heightened alert status sa lahat ng fire stations sa buong bansa na tatagal hanggang Nobyembre 2.



                           Ang nasabing hakbang ay ginawa alinsunod sa direktiba ni DILG Officer-in-Charge Catalino Cuy na layong gawing fire-free ang paggunita ng All Saints’ Day at All Souls’ Day sa Nobyembre.
                          Inatasan din ni Cuy ang pamunuan ng BFP na magsagawa na ng fire safety inspections sa mga lugar na inaasahang dadagsain ng tao sa Undas tulad ng transport stations at terminals mapalupa man o mapahimpapawid, maging sa marine public transportation facilities, mga pantalan , mortuary chapels, columbaria, at mga pampubliko at pribadong sementeryo.
                         Maging ang mga ambulansya at iba pang emergency medical teams mula sa Bureau of Fire and Protection ay ide-deploy din sa mga public places at iba pang istratehiyang lugar upang mapabilis ang pagtugon sa panahon na magkaroon ng sunog at iba pang emergency na pangangailangan.
Sinabi pa ni Cuy, maging abala din ang mga tauhan ng BFP sa information drive campaign sa iba’t ibang areas, tulad ng pamamahagi ng mga flyers tungkol sa fire safety tips, at pagpapaalala tungkol sa pag-iingat sa sunog gamit ang public address system sa mga pampubliko at pribadong sementeryo.