Tuesday, October 24, 2017

/May pork barrel nga ba ang budget sa 2018?

                Matapos na makailang beses na tiyakin ni House Committee on Appropriations Chairman Karlo Nograles na walang pork sa 2018 budget, ibinulgar naman ngayon ng dalawang kongresista na nagsingit ng alokasyon ang kamara para sa pork barrel sa susunod na taon.

               
Ayon kay ACT Teachers Rep. France Castro, sa 3.7 billion 2018 national budget na aprubado na ng kamara sa ikatlong pagbasa, may 46 billion pesos na inilipat ang kapulungan.

               Sinabi din ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio na maliban sa 40 billion na dagdag para sa free college education, napansin umano nila ang dagdag alokasyon sa mga departamento na tiyak pang tustos sa hidden pork.
         
                 Kabilang dito ang 6.95 billion na itinaas sa pondo ng DPWH para sa local programs, 5.2 billion para sa special purpose fund, dagdag na 1.9 billion sa DSWD para sa tinatawag na protective services sa mga mahihirap na pamilya at 1.6 billion na dagdag alokasyon para sa operasyon ng mababang kapulungan.

                  Nababahala ang mga mambabatas na kawalan ng transparency sa mga ini-reshuffle na budget na nangangahulugang may ilang tanggapan ang isinakripisyo ang pondo.

No comments:

Post a Comment