Pinuri nina opposition Senators Antonio Trillanes IV, Kiko Pangilinan
at Bam Aquino ang Armed Forces of the Philippines o AFP makaraang
masawi ang dalawang leader ng Maute Terror Group na sina Omar Maute at
Isnilon Hapilon.
Ayon sa tatlong senador, dapat lang parangalan ang lahat ng mga
sundalo, kasama ang mga nasawi, na nag-alay ng mabigat na sakripisyo
para masupil at mapatay ang lider ng mga terorista na kumubkob sa
Marawi.
Umaasa si Senator Trillanes na magiging hudyat na ito ng tuluyang
pagtatapos ng karahasan sa bahagi ng bansa upang masimulan na ang
healing process sa lahat ng mga naging biktima ng gulo.
Itinuturing naman ni Senator Pangilinan ito na mahalagang development
at malaking bagay dahil mahigit 100 na ang nalalagas sa ating mga
sundalo bunga ng pakikibaka sa mga terorista.
Si Senator Bam naman, umaasang aalisin na ang idineklarang martial
law sa buong Mindanao at pagtutuunan ng pansin ang pagsasaayos at
pagpapaunlad sa Marawi City.
Ito aniya ay para bumalik na sa normal ang buhay ng mga Maranao families na labis na naapektuhan ng kaguluhan.
No comments:
Post a Comment