Monday, October 23, 2017

Comelec Chairman Bautista, inaasahan ang pagtanggap ni Pangulong Duterte sa kanyang resignation

                       Inaasahan na ni Comelec Chairman Andres Bautista ang pagtanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang inihaing resignation letter.

                  
    Ayon kay Bautista hindi na siya nabigla nang tanggapin ng Malakanyang ang kanyang sulat na pagbibitiw sa tungkulin na magtatapos sana sa December 31 taong kasalukuyan dahil agad na tinanggap ni pangulong Duterte ang sulat effective immediately.

                       Paliwanag ni Bautista dapat paghandaan kaagad ng papalit sa kanya ang mga trabahong kanyang iniwan at pag-aaralan ng husto ang nakabinbing pang mga Electoral protest upang makabalangkas ng mga solusyon habang ipinagpaliban ang SK at Brgy. Election.

                       Giit ng nagbitiw na Comelec Chairman mistulang natanggalan siya ng tinik sa pagtanggap ng pangulo sa kanyang resignation letter dahil sa mga masalimot na kanyang kinakaharap sa Comelec.

                     Handa naman umano niyang sagutin ang mga kasong impeachment isinamapa sa kanya ngayong wala na siyang immunity dahil matagal na umano niya itong pinaghahandaan.

No comments:

Post a Comment