Mabuti pa ang taong namatanda (isang karaniwang kapaniwalaan sa probinsiya), puwede niyang sisihin ang mga elementals.
Minsan nang naikuwento sa akin na noong maliit pa raw ang aking tiyuhin (panganay na syupatembang ng nanay ko)—sa gitna ng kanyang paglalaro—ay naihian nito ang pinaniniwalaang nuno sa punso.
Sa galit daw ng mga nananahan doo’y pinarusahan ang uncle ko, lumobo ang kanyang yagbols.
Sa kaso ni Xander (Can’t Af-) Ford, na ang pinaghalong kaangasan, kabastusan at kayabangan ay walang inilayo sa orinola, he only has himself to blame. Ulo sa itaas at hindi kasi yagbols ang lumobo sa kanya.
Buong akala niya’y isang malaking playground lang ang showbiz. Nauna kasi ang yabang kesa sa kung ano ang talentong maipagmamalaki niya. Gumamit ng kapwa artista sa kagustuhang sumikat bigla.
Arguably, sikat naman talaga ngayon si Xander but the way by which he’s been reaping all these successes ay isang malaking pagkakamali.
If only for that, gawin na lang niyang “Blunder”—sa halip na Xander—ang kanyang pangalan. At dahil peke naman ang kanyang pisikal na anyo, let he be surnamed Fraud – Blunder Fraud.
At yaman din lang na ikinunek namin ito to our playful, impish uncle ay mag-playtime tayo.
Let’s all have fun and pun gamit ang pangalan ng matagumpay na resulta ng scientific breakthrough ek-ek na ito.
Maraming puwedeng ibansag sa guinea pig ng showbiz, neither from Papua New Guinea nor from the Babuyan Islands.
Sa pabagu-bagong shift ng kanyang emosyon—from being war-freak to meek, from being apologetic to pathetic—puwede siyang tawaging “Marlou Arizala-sa-init, Arizala-sa-lamig.”
Kung siya nama’y nagtataka kung bakit nalaos siya bigla: “Wonder” Ford.
Kung dahil sa pagkalaos ay makita na lang natin siyang palabuy-laboy sa lansangan: “Wander” Ford.
Kapag tumanda na siya nang walang pinagkatandaan: “Tander” Ford.
Kung nawaldas man niya ang kanyang mga naipundar sa showbiz: “Squander” Ford.
Kung pati puwet niya’y ipinaretoke niya pero nagmukha siyang bibe: “Gander” Ford.
Nalaos man pero may showbiz career pa rin bilang alalay ng sikat na artista: “Handler” Ford.
No comments:
Post a Comment