Sunday, October 15, 2017

Trillanes naguguluhan kung sino kina Mayor Sara o PRRD ang sisiraan ng husto!

                       Dahil sa mga walang takot na birada at pagsagot ngayon ni Mayor Sarra kina Trillanes, Pangilinan at Hontiveros. Naguguluhan na si Trillanes kung sino ang uunahin niya ngayong siraan sa kanyang mga nasagap na tsismis.
                       Pero si Davao City Mayor Sara ay palaban pa rin matapos niyang ulit batikusin ang mga kritiko ng kanyang amang si Pangulong Duterte matapos ihayag ang posibilidad na magtatayo ng revolutionary government dahil umano sa banta ng destabilisasyon,
                      At dahil sa wala na masyadong isyu ang mga kalaban ng Pangulo dahil hindi na epektibo at di na kinagat ng mga tao ang EJK at ang pagkakapatay ng mga teenager. Ang pagpapapirma nalang sa waiver ang pwede nilang ulit-ulitin at pwede nilang ipagmayabang na ayaw daw gawin ng Pangulo dahil sa may itinatago daw itong kayamanan.

                      Ang banta ng destabilisasyon ay katulad din ng banta ng terrorismo, kaya lalong nagagalit at parang di mapakali ang mga kalaban dahil ba parang nauuna palagi si Pangulong Duterte sa kanilang mga pinaplano. At kapag hindi nila mapahina at mahila pababa ang Administrasyong Duterte, natatakot sila na baka sa darating na halalan ay wala na o kaunti nalang sa kanilang mga kasamahan at kapartido ang makalusot.

                     Mahihirapan na silang makakuha ng mga pondo sa mga negosyante at iba pang organisasyon para gagamitin sa kampanya dahil sa mahina ang kanilang tsansa na manalo kapag hindi pa nila mapababa at madawit ang pangalan ng pangulo sa mga anomalya.

                     

No comments:

Post a Comment