Sunday, October 22, 2017

Ibinunyag ng PDEA ang bagong drug lords sa New Bilibid Prison

                  Ibinunyag naman ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na may mga naglulutangang bagong drug lords sa New Bilibid Prison.
  Ayon kay PDEA Director Aaron Aquino – mismong mga kilalang drug lords na sina Herbert Colangco, Jaybee Sebastian, Peter Co at iba pang nagsasanay sa mga bagong pangalan.
                        Dahil dito, iginiit ni aquino na pursigido sila na magtayo ng tanggapan sa loob ng nbp para bantayan ang galaw ng mga drug lord at mapigilan ang kanilang hakbang para maipakalat o maipasa sa iba ang kanilang ilegal na gawain.
                       Tiniyak ng PDEA na masisibak at makakasuhan ang mga itatalagang agent na magpapasilaw sa mga drug lords lalo’t kilala ang mga ito sa panunuhol.

No comments:

Post a Comment