Tuesday, October 24, 2017

Resigned COMELEC Chair Andres Bautista, tiniyak na mahaharap sa kasong plunder

Tiniyak ni Atty. Lorna Kapunan na hindi makakaligtas si resigned COMELEC Chairman Andres Bautista sa kasong kriminal ngayong isa na itong private citizen.
                  Giit ni Kapunan, tanggal na ang immunity ni Bautista matapos na tanggapin ang resignation nito ng Pangulo at ito rin ang kauna-unahang COMELEC Chairman na napatalsik sa pwesto.
   Nakaligtas man sa impeachment trial, maaari naman itong sampahan ng kasong plunder.
                Hinihintay lamang umano nila ang findings ng NBI saka nila ihahain ang kasong pandarambong bunsod ng 1.2 Billion na ill-gotten wealth.
                Para naman kay Patricia Bautista, vindication sa kanya ang nangyayari ngayon sa dating COMELEC Chairman.
                 Sinabi naman ni Kabayan Rep. Harry Roque na ang nangyari kay Bautista ay babala sa mga opisyal ng gobyerno na gumagana ang mga institusyon para tiyakin ang kanilang pananagutan.

No comments:

Post a Comment