Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang mataas na ratings na ibinigay
ng sambayanan sa administrasyong Duterte partikulat sa laban nito sa
iligal na droga.
Ito ang reaksyon ng Malacañang sa survey ng Pulse Asia kung saan
makikita na halos 9 sa 10 Pilipino ang sumusuporta sa war on drugs ng
adminsitrasyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ipinapakita lamang
nito na pinapahalagahan ng mamamayan ang pagsisikap ng administrasyon na
labanan ang krimenalidad sa bansa at maging ligtas ang bawat Pilipino.
Sinabi din naman ni Abella na nauunawaan nila ang sentimyento ng 76%
ng ating mga kababayan na nangangamba ba baka magaya sila o sinoman sa
kanilang mahal sa buhay kay Kian Delos Santos na pinatay ng mga pulis
Caloocan ng walang kalaban-laban.
Ayon kay Abella, binigyang diin na ni Pangulong Rodrigo Duterte hindi dapat napapatay ang mga hindi nanlalaban sa mga otoridad.
No comments:
Post a Comment