Tuesday, October 24, 2017

Ellen tinalakan ang laiterang basher: Pangit ka, pangit pa ugali mo, bitter!

                   Hindi na nakapagtimpi ang kontrobersyal na sexy star na si Ellen Adarna laban sa isang basher na nambasag sa kanila ng boyfriend niyang si John Lloyd Cruz.

                    Mas nabwisit pa si Ellen nang ikumpara siya ng hater sa Kapuso sexy actress na si Solenn Heussaff at sa mga makabuluhan nitong ginagawa sa buhay at sa kanyang career.

                    Ayon pa sa basher sana raw ay makagawa rin siya ng mabuti at maganda para sa kanyang kapwa dahil wala na siyang ginawa kundi ang lumaklak at makipaglandian sa lalaki.

                   Nag-start ang sagutan at talakan sa pagitan ni Ellen at ng basher nang mag-post ang dyowa ni John Lloyd sa Instagram ng isang litrato ng alps sa Gornergrat, Switzerland. Nasa Europe pa rin ang dalawa para sa kanilang mahabaang bakasyon.

                   Dito, nagkomento ng mga kanegahan ang follower ni Ellen (@fjfjfjdjjdj). Anito, “Nababaliw na mga to. Bat d nalang gumawa ng mabuti sa pinas!!!”

                   “Buti pa si solenn heussaff ang gnda ng ginawa niya para sa pinas. Ung kalsada painting! @maria.elena.adarna wala,” pang-aasar pa ng basher kina Lloydie at Ellen.

                  Ang tinutukoy ng hater ay ang second art exhibit ni Solenn na ang tema ay ang tungkol sa mga taong nakakasalamuha at nakikita niya sa iba’t ibang kalye sa Pilipinas.

                 Unang banat ni Ellen sa kanyang basher, “Ikaw din wala kang ibang nagagawa kung di maging troll or mang bash.

                  “Mas Malala kapa hahahaahahahahhahhah!!! Panget kapa, panget pa ugali mo, bitter pa. Minsan [mag-isip] ng iba… bat pa natao mga ganyan!”

                 In fairness, pinagtanggol din si Ellen ng iba niyang fans and followers. Talagang minura-mura nila ang hater nina Ellen at Lloydie. Nilait-lait din nila ito at binantaan pang mag-ingat dahil digital na raw ngayon ang karma.

No comments:

Post a Comment