Monday, October 23, 2017

Defense officials ng US at Russia, haharap mamaya kay Pangulong Duterte

                      Haharap mamaya kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga defense officials ng Russian Government at Estados Unidos ng Amerika.

                  
   Magkakaroon kasi ng courtesy call kay Pangulong Duterte si Russian Defense Minister Sergei Shoigu at susundan ito ng courtesy call ni US Defense Secretary James Mattis.

                        Pero bago ang inaasahang pagharap ni Pangulong Duerte sa mga defense officials ng US at Russia, may dalawa pa munang dadaluhang aktibidad ang Pangulo.

                       Isa na dito ang pagpapalit sa liderato ng Phil. Air Force bunsod ng pagreretiro ni outgoing Air force Chief Lt. Gen. Edgar Fallorina.

No comments:

Post a Comment