Wednesday, October 25, 2017

PNP Chief Bato: Instant promotion para sa mga PNP SAF na Galing Marawi!

                  Binigyan agad ng one rank promotion ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang lahat ng miyembro at opisyal ng Special Action Force na nasugatan sa giyera sa lungsod ng Marawi City.

               
Sa kanyang speech sa harap ng 182 PNP-SAF members sa Camp Bagong Diwa, kanyang pinasalamatan ang lahat ng mga pulis na sugatan maging ang mga nagbuwis ng buhay.

                 Maliban sa meritorious award, agad na binigyan ng Medalya ng Kadakilaan at Medalya ng Sugatang Magiting ang ilan sa animnapung Special Action Force na wounded in action na ngayon ay nandito nasa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

                   Pinoproseso naman ang pagbibigay ng Posthumous Award sa apat na SAF trooper na nasawi sa Marawi.

                     Ito ay sina PO3 alexis mangaldan, PO1 Moises Kimayong, PO3 Alexis Laurente, at PO3 Daniel Tegwa.

No comments:

Post a Comment