Nagtalaga na ang Malacañang ng ika- 35 pinuno ng Philippine Airforce.
Ito ay sa katauhan ni Lieutenant General Galileo Gerard Kintanar Jr.
dahil sa inaasahang pagreretiro sa serbisyo ni Lt. General Edgar Restor
Fallorina.
Inilarawan naman ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año si
Kintanar bilang isang silent worker, magaling, strategic thinker at
bihasa sa pagiging piloto.
Naniniwala rin si General Año na maipagpapatuloy ni Kintanar ang mga
magagandang programanng nasimulan ni Fallorina sa Philipine Airforce.
Si Kintanar ay umupo bilang WESCOM Commander nitong nakalipas lamang
na buwan ng Agosto, pero bago ito naging Chief of Air staff ng
Phillippine Air force na miyembro ng Philipine Military Academy class
1985.
Isasagawa ang turn over ceremony bukas sa Clark Airbase Pampanga.
No comments:
Post a Comment