Tuloy-tuloy parin ang pagtulong ng Department of Trade and Industry mga internally displaced persons mula sa Marawi City.
Ito ay sa pamamagitan ng “Bangon Marawi Product Store” na inilunsad kamakailan ng ahensya.
Ang DTI ang syang nakatoka sa Bangon Marawi Task Force Sub-committee on Business and Livelihood para sa muling pagbangon ng ating mga kababayan na naapektuhan ng 5 buwang bakbakan .
Ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez habang abala ang gobyerno sa pagrehabilitate sa Marawi, ito naman ang naisip nilang paraan para tulungan ang ating mga kababayan.
Ang “Bangon Marawi Product Store” ay matatagpuan sa Ground Floor ng DTI Bldg. along Sen. Gil Puyat Ave. sa Makati City.
Kabilang sa mga itinitindang produkto dito ay gawa ng mga Maranao tulad ng brasswares, wooden furniture, wearable, Maranao woven products, jewelry, fashion accessories, at Maranao native delicacies.
Bukod sa DTI bldg available rin ang Bangon Marawi products sa lahat ng all Go Lokal! stores nationwide.
Kasunod nito hinihimok ng ahensya ang publiko na tangkilin ang mga nabanggit na produkto nang sa gayon ay makatulong tayo sa ating mga kababayan mula sa Marawi.
No comments:
Post a Comment