Thursday, October 26, 2017

1st Philippine Aviation Day, idinaos

                 Idinaraos ngayon ang 1st Philippine Aviation Day kung saan nagsama sama ang lahat ng air carrier sa bansa tulad ng Philippine Airlines, Cebu Pacific at Air Asia.

         
       Isa sa mga panauhing pandangal ay si DOTr Sec. Arthur Tugade kung saan ibinida nito ang mga improvements na kanilang nagawa sa mahigit isang taong panunungkulan sa pwesto.
                 Kabilang dito ang pagkakapasa ng Civil Aviation Authority of the Philippines sa Global Safety audit ng International Civil Aviation Organization.
                 Ang pagkakatanggal ng Ninoy Aquino Int’l Airport sa worst airport in the World & in Asia.
                 Maliban sa pagkakatanggal bilang worst airport, 4 na paliparan din natin ang kasama sa TOP 25 Best airports in Asia ngayong taon.
                Kabilang ang Iloilo Davao Mactan-Cebu at Clark Int’l Airport.
                 Ibinunyag naman ni Sec. Tugade ang mga sikreto kung bakit natanggal ang NAIA sa worst airport in world & Asia.
1) Nawala na aniya ang laglag bala o tanim bala scheme
2) Ang mga palikuran sa ating paliparan ay maayos, may tubig at hindi na mapanghi
3) Wala ng pila para sa OFWs
4) Mayruong libre at mabilis na Wi-Fi
5) Pagpapatupad ng restrictions sa general aviation
                    Samantala, sinabi pa ni Tugade na magtutuloy tuloy ang improvements sa ating mga paliparan upang makamit ang mithiin ng pamahalaan na makasama ang ating mga paliparan hindi lamang sa good o better airport bagkus maging Best Airport in the World.

No comments:

Post a Comment