“Bago tayo mag-umpisa may importante lang akong sasabihin. Kahapon po mga kaibigan, magulo nagtutuksuhan kami nagkakagulo dito. Kausap namin ang isang pastor at isang guro na kanyang may-bahay. At pumapasok sa usapan namin ang sari-saring mga paksa. At isa na dito tungkol sa depression. Dala po ng gulo at tuksuhan namin eh naging mababaw lang at magaan ang pagtanggap ng inyong lingkod sa salitang yan. Hanggang nabanggit ko nga yung wala gawa-gawa lang yan ng ibang tao. Yun kasi ang paniniwala ko na ang stress at depression ay pareho lamang.”
“Wag nyong asahan na alam ko ang lahat ng bagay sa mundo. Habang nabubuhay po tayo natututo tayo ng mga bagay-bagay. Nagkamali po ako.”
Kwento pa nya, pag-uwi niya ng araw na iyon ay pinagalitan daw siya ng kanyang misis at anak.
“Pinagalitan ako. Pinaliwanag niya at pati yung mga anak namin. Daddy, hindi stress yan at depression. Yun din ang alam ko. Yung iba nawalan lang ng boyfriend na-dedepressed na. Gumaganun pa ako. Lalo akong nahiya sa sarili ko noong bangitin ni Eileen na may mga malalapit na mahal sa buhay na nagdurusa sa ganung kalagayan. So ako ay humihingi ng paumanhin sa mga napaitan sa mga nabanggit ko at humihingi ng inyong unawa.”
Tinawagan niya pa noon si Maine upang mag sorry.
No comments:
Post a Comment